Subsidy para sa rice retailers, exempted sa election ban
- BULGAR
- Sep 14, 2023
- 2 min read
ni Ryan Sison @Boses | September 14, 2023
Aprub na ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa exemption ng small and micro-scale rice retailers sa kanilang one-time P15,000 economic relief subsidy sa election ban.
Ang Seksyon 261 ng Omnibus Election Code ay nagpapataw ng ban hinggil sa pagpapalabas ng public funds sa panahon ng halalan.
Gayunman, inirekomenda ng Comelec law department ang exemption at inaprubahan ito ni Chairman George Garcia, kung saan nagpapahintulot sa disbursement ng P800 milyong subsidy sa panahon ng pagbabawal nito mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 30.
Batay sa Comelec Memorandum 23-05923, ang kahilingan ay sinunod subalit may kinakailangang mga procedures.
Pinaalalahanan naman ng ahensya ang DSWD na ang exemption ay hindi dapat gamitin upang maimpluwensyahan ang October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Gayundin, ayon sa Comelec, “(should not) involve any distribution of Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) from Oct. 20 to Oct. 30, except those which are normally given to qualified individuals.”
Inaprubahan din ng Comelec ang mga request for exemption ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa panahon ng prohibition gaya ng ipagpatuloy ang pagbibigay ng suweldo sa lahat ng DSWD personnel maging ito man ay permanente, temporary, coterminus, casual, contractual at job order; mga regular at normal expenses para sa ongoing social welfare at development programs, aktibidad at mga proyekto; mga routine at normal expenses para sa ongoing foreign assisted projects; at pagpapalabas at expenditures para sa relief ng iba pang goods kung sakaling may mga sakuna o kalamidad.
Tama lang ang naging desisyon na i-exempt ang mga rice retailers sa election ban na ipinatutupad ng Comelec.
Wala nga namang kinalaman ang mga maliliit na rice retailers sa halalan sa gitna ng kanilang nararanasang hirap sa ibinabang rice price cap.
Gayundin, para talaga sa kanila ang mga ayudang ipinamamahagi ng DSWD kaya marapat lang na tuluy-tuloy ang pagbibigay nito.
Hiling lang natin sa kinauukulan, bukod sa mga rice retailers, sana ay gumawa rin sila ng paraan para matulungan ang iba pang hikahos nating mga kababayan na hirap na hirap din sa buhay dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, para nang sa ganu’n ay hindi nila maisip o kaya’y matukso sa anumang vote buying na iniaalok ng mga kandidato.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments