Suarez, matibay sa apat na korona vs. Fleming
- BULGAR
- Mar 18, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce - @Sports | March 18, 2023

Sunod ng susuntukin ni 2016 Rio Olympian at undefeated Filipino boxer Charly “The King’s Warrior” Suarez ang World title fight matapos ang matagumpay na pagpapatumba kay Australian boxer Paul “2Gunz” Fleming nitong Miyerkules ng gabi kaantabay ng iba’t ibang regional titles ay IBO title Eliminator sa Kevin Belts Stadium, Mount Druitt sa Sydney, Australia.
Bumanat ng malupit na left hook ang 34-anyos na tubong San Isidro, Davao del Norte upang pabagsakin ang hometown-bet boxer sa ika-12th round para sa technical knockout panalo upang makuha ang bakanteng IBF Inter-Continental, IBO Inter-Continental, WBA Oceania at WBC Asian super-featherweight title, upang maidagdag sa kanya pang dalawang regional title na IBF Asia at WBA Asia na kanyang napagwagian noong nagdaang Disyembre 10, 2022 kontra Defry Palulu ng Indonesia na nagtapos sa second TKO na ginanap sa The Grand Ho Tram Strip, Vung Tau, Vietnam.
Puntiryang targetin ng three-time Southeast Asian Games gold medalist ang titulong hawak ni British boxer Anthony “The Apache” Cacace (20-1, 7KOs) sa kanyang susunod na misyon ngayong taon.
“[Bale target] natin ang World Championship po, kasi IBO world title eliminator po yung isang pinaglalabanan natin,” pahayag ni Suarez. “Talagang, pinag-aaralan namin yung kalaban, kung ano yung nakikita namin sa mga naging laban niya, talagang pinagaralan namin.”
Hindi alintana ang kalamangang tangan ng katunggali mula sa mga huradong sina Dean Cambridge (106-103), Mick Heafey (107-102), at Richard Israel (108-101) bago nito mapabagsak ang dating unbeaten na Australian, nagpaulan ng mga maluluntong na suntok si Suarez (15-0, 9KOs) para pamagain ang mukha ni Fleming (28-1-1, 18KOs) hanggang sa tamaan ito ng isang solidong suntok upang tuluyang bumagsak sa sahig.








Comments