top of page

Suarez, dikdikan na ang paghahanda vs. Vasquez

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2023
  • 1 min read

ni GA @Sports | August 10, 2023



Puspusan ang pagsasanay na isinasagawa ni 2016 Rio Olympian at undefeated Filipino boxer Charly “The King’s Warrior” Suarez para sa nalalapit na laban kontra Yohan “La Fiera” Vasquez ng Dominican Republic sa Agosto 26 sa Hard Rock Hotel and Casino sa Tulsa, Oklahoma, U.S.A. upang mas lumapit sa pangarap na World title bout.


Hindi papaawat sa preparasyon ang 34-anyos na beteranong boxer na nakikipagsabayan sa ensayo sa Top Rank Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada ka-spar ang boxing rising stars at mga anak ni dating middleweight kingpin “Ferocious” Fernando Vargas na sina Emiliano at Amado Vargas, na pareho ring naghahanda sa kani-kanilang susunod na laban. “Bale kasabay ko sa training 'yung dalawang magkapatid na Vargas, lalo na sa sparring. Mas mabuti rin yung preparation namin. Medyo pababa na 'yung sparring sessions. Tulad ngayong araw wala muna sparring,” kwento ni Suarez.


Kasunod ng pagpirma ng tubong San Isidro, Davao del Norte ng kontrata sa Top Rank Promotions ni Bob Arum, katulong ang LCS Group ni sports patron Luis “Chavit” Singson, tuloy-tuloy ang paghahandang isinagawa ng kasalukuyang IBF at IBO Inter-Continental at WBC Asian super-featherweight titlist upang mapanatiling undefeated sa dibisyon na pinaghaharian ng apat na magkaka-ibang kampeon.


Kasalukuyang nakalista bilang No.7 ranked sa International Boxing Federation (IBF) si Suarez (15-0, 9KOs) na hinahawakan ni Joe Cordina ng United Kingdom, habang pasok rin itong No.10 sa World Boxing Association (WBA) ni Emannuel Navarrete at No.15 sa World Boxing Council (WBC) ni American O’Shaquie Foster.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page