top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Stripe of Pink markado sa PHILRACOM-RBHS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 09, 2022

Pitong karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Miyerkules at inaasahang tatargetin ng mga karerista ang mga carry over.


Unang pupuntiryahin ng mga karerista ang carry over sa Pentafecta na P11,132.10 na ilalarga sa unang karera ng PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Siyam na tigasing kabayo ang magtatagisan ng bilis sa distansyang 1,500 meter race sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite, kaya inaasahang pahirapan ang mga karerista sa pagpili ng kanilang tatayaan.


Posibleng maraming kumuha na pang primera ang mga kalahok na Tazama, Stripe Of Pink at Big Bertha subalit ayon sa ibang karerista na nagkomento sa social media ay lahat ay malaki ang tsansang manalo.


Maliban sa tatlong nabanggit na kabayo, ang ibang kasali ay sina Kiss Muna, Victoriousprincess, Raxa Bago, Joyous Solution, Chocolate Thunder at Bucasgrande Island.


"Sana masapol natin ang mga carry over ngayong araw, napag-aralan ko na ng mabuti ang mga tatayaan ko," saad ni Ricardo Cerillo, veteran karerista.


Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Kukubrahin ng horse owner ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000.


Sa Race 3 ang carry over sa Super 6 na P4,884.74, may 12 kabayo ang pagpipilian ng mga karerista sa PHILRACOM rating Based Handicapping System.


Mag-uunahan sa meta sina Divine Success, Money For Biffany, Medaglia D' Amor, National Treasure, Oktubre Katorse, Factorah, Super Master, Viscountofjalajala, Filipino Emperor, Doctor Amorete, Shine at Princess Mavee.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Stripe Of Pink (4), Raxa Bago/Kiss Muna (3/3A), Tazama (1)

Race 2. Spoiled Brat (4), Antonio Delamugis (8), Sweet City (2)

Race 3. Super Master (7), Divine Success (1), Shine (11)

Race 4. Director's Dona (1), Daldalero (2)

Race 5. Nounpareil (4), Diwalwal/Fire Council (6A/6), Riewly (9)

Race 6. Lucky Julliane (1), Yes Kitty (2), Del Monte (6)

Race 7. Birthright (3), Kapangyarihan (6), Sagitsit (10)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page