top of page
Gary V. - IG.jpg

Stress sa lablayp, ‘wag hayaang lumala

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2024
1 min read

@Editorial | Pebrero 16, 2024


Dahil nauuso ang hiwalayan lalo na sa mga celebrity, problema sa pag-ibig na ang pumapangalawa sa pinakamaraming idinudulog sa crisis hotline.


Napag-alaman pa na nasa 10-15% ang humihingi ng tulong sa National Center for Mental Health (NCMH) para sa kanilang lovelife mula 2019 hanggang 2023.


Ang ilan pa umano sa tumatawag ay gusto lang ng makakausap, habang may iba na nagtatangkang saktan ang sarili. 


Sinabi pa ng Department of Health (DOH) na ang ibang taong nakakaranas ng heartache ay literal na nakakaramdam ng sakit sa puso, kaya ‘wag itong balewalain.


Pinaalalahanan din ang publiko na importanteng maresolba ang mental health issues dahil nauuwi ito sa stress.


Ito ang dahilan kung bakit binibigyang-diin ng mga eksperto ang kahalagahan ng pagtalakay tungkol dito upang maiwasang lumala.


Ang simpleng pangungumusta sa ating mahal sa buhay ay malaking tulong upang mailigtas sila sa anumang kapahamakan na dulot ng stress.


Maaari ring gawin ang tinatawag na “12 S’s of Stress Management,” ito ay ang Self-awareness, Scheduling, Siesta, Speak, Sounds, Sensation, Stretching, Social activities, Smile, Sports, Stress debriefing, at Spirituality na applicable sa ating lahat.


Anuman ang ating pinagdaraanan, mahalagang mahalin din natin ang ating sarili at ‘wag mahiyang humingi ng tulong lalo na sa mga eksperto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page