top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sto. Niño festivals, ipinagdiwang na sa iba’t ibang lugar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2023
  • 2 min read

ni Lolet Abania | January 14, 2023



Matapos na itinigil ng dalawang taon ang selebrasyon dahil sa COVID-19 pandemic, ipinagdiwang na rin ang Sto. Niño festivals na Ati-Atihan, Sinulog, at isa pa sa Tondo, Manila ngayong Sabado.


Sa Kalibo, Aklan, sabik ang mga residente na nasa mga lansangan habang ang Ati-Atihan parade ng mga kalalakihan na naka-itim na body paint at nakasuot ng makukulay na mga costumes ay sumasayaw sa saliw ng drums na dumaraan, base ito sa video na nai-post sa Facebook ngayong Sabado ng GMA News.


Masaya ring sumisigaw ang mga tao ng “Viva, Señor Sto. Niño” habang itinataas ang imahe ng Batang Hesus.


Hindi rin alintana ng mga residente ang posibleng pagbuhos ng malalakas na ulan dahil sa naiulat na low pressure area (LPA) sa lugar.


Isang grand procession naman ang gaganapin sa Kalibo sa Linggo, Enero 15, sa mismong araw ng pista ng Sto. Niño.


Sa Cebu, isang fluvial procession, na bahagi ng Sinulog festival para sa Sto. Niño, ang isinagawa ngayong Sabado ng umaga, kung saan inihahatid ang imahe ng Sto. Niño mula Mandaue City at Lapu-Lapu City pabalik sa Cebu City, base rin sa nai-post sa video sa Facebook ng GMA News.


Sa report, sinalubong ng napakaraming deboto ang imahe ng Sto. Niño sa Pier 1 sa Cebu City. Habang si Archbishop Jose Palma, ang naghatid sa Sto. Niño sa naganap nitong lakbayin.


Mula Pier 1, ang imahe ng Sto. Niño ay dinala sa pamamagitan ng prusisyon patungo sa Basilica Minore del Santo Niño sa Cebu City, ang huling yugto ng lakbayin pauwi sa tahanan ng imahe.


Isang grand parade rin ang gaganapin sa Linggo, simula alas-9:00 ng umaga.


Sa Tondo, Manila, kasamang dala ng mga residente ang kanilang mga imahe ng Sto. Niño sa isang prusisyon para sa Sto. Niño de Tondo festival.


Ayon kay Manila Police District director Police Brigadier General Andre Dizon, wala namang nangyaring anumang signal jammer sa Tondo para sa Sto. Niño festival.

Sinabi pa ni Dizon, nagpatupad na rin sila ng liquor ban at gun ban sa Tondo, Manila.AJ

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page