top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

State funeral para kay FVR, idaraos sa Agosto 9 – Malacañang

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 3, 2022



Magdaraos ang pamahalaan ng isang state funeral para kay dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Agosto 9, ayon sa Malacañang.


"The state funeral is a right of the family of a deceased president so yes, he will be accorded a state funeral with full military honors," ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing ngayong Miyerkules.


Wala pang kumpirmasyon kung dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa wake ni Ramos, na ayon kay Cruz-Angeles ang impormasyong ito ay hindi kailangang isapubliko para na rin sa seguridad ng Pangulo.


Si Ramos, na naging pangulo ng bansa noong 1992 hanggang 1998 ay pumanaw sa edad na 94, batay sa anunsiyo ng kanyang pamilya nitong Linggo.


Una nang idineklara ni Pangulong Marcos ang isang period of national mourning sa bansa, habang nagpaabot siya ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng dating pangulo, at nanawagan din sa mga Pilipino na mag-alay ng panalangin para sa eternal repose ni Ramos.


Nagsilbi si Ramos bilang Philippine Constabulary chief at vice chief of staff ng Armed Forces of the Philippines sa panahon ng administrasyon ng yumaong ama ng Pangulo na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page