Starinmydreams, champ sa Imported/Local Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 21, 2022
Nasilo ni Starinmydreams ang titulo sa 2022 PHILRACOM "Imported/Local Challenge Race na pinakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo.
Ginabayan ni class A rider Oneal Cortez, inirehistro ng anak nina Super Save at Boy Crazy na si Starinmydreams ang tiyempong 2:40.4 minuto sa 2,400 meter race sapat upang hamigin ang P600,000 premyo.
Ang nasabing stakes race ay pagpupugay sa mga ambag ni Henry Cojuangco sa industriya ng karera habang ito rin ang pinakamahabang distansiya na naisagawa sa karerahan.
Dumiskarte si Oneal sa largahan, ipinuwesto nito si Starinmydreams na pag-aari ni LA Sevilla, sa bandang likuran at hinayaan nitong mag-ubusan ng lakas sa unahan sina Shastaloo at American Factor.
Papalapit ng far turn ay humabol na si Starinmydreams sa unahan at nakapanabayan nito si Time For Glory. Parang posteng nilampasan nina Starinmydreams at Time For Glory ang mga nauupos na sina Shastaloo at American Factor at pagsungaw ng rektahan ay nakuha na ng winning horse ang unahan.
Nanaig si Starinmydreams ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang si Time For Glory sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Lleon.
Sinungkit ni Time For Glory ang P225,000 habang tig P125,000 at P50,000 ang third at second placers na sina Shastaloo at American Factor ayon sa pagkakasunod.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Bitcoin (2), Broadway (4), My Dad Bogart (6)
Race 2 - Created (1), Antique Collector (6)
Race 3 - Kathy N Alice (3), Alonzo Hall (4), Great Britain (7)
Race 4 - Patong Patong (5), Ccalbayog (7), Hook The Hustler (3)
Race 5 - Queensland (6), Great Connection/Don't Stop Believin (1/1A)
Race 6 - Daldalero (7), Miss Rosario (2), Ranagant (4)
Race 7 - Smiling Lady (9), Bebang (8), Jade's Treasure (1)
Race 8 - Konzeelanz (6), Rafa (5)
Race 9 - Charm N Luck (8), Marangal (7), Excellence (1)





Comments