top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Standing passenger sa pampublikong sasakyan, oks na ulit — LTFRB

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 26, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 26, 2022



Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Lunes na puwede na ulit ang mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.


Sa memorandum na inilabas ng LTFRB, ang mga public utility bus (PUB) at Class 2 na modern public utility jeepney (MPUJ) lamang ang papayagan na mayroong nakatayong pasahero, batay sa mga itinakdang kondisyon:


• Low-Entry/Low Floor PUB: Nasa 15 ang maximum na standing passenger ang aprub, habang one-person apart


• Coach-type PUB: Nasa 10 ang maximum na standing passenger ang aprub, habang one-person apart


• MPUJ Class 2: Nasa 5 ang maximum na standing passenger ang aprub, habang one-person apart


Ayon sa LTFRB, alinsunod ang bagong polisiya sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) para mas maka-accommodate pa ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan nang hindi naman lumalabag sa public health safety protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).


Paalala ng LTFRB sa mga driver at operator na patuloy na sumunod sa mga itinatakdang polisiya at panuntunan ng ahensya.


Matatandaan na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ipinagbawal ang mga nakatayong pasahero habang nasa 50% hanggang 75% sitting capacity lamang ang pinapayagang nakasakay, na kabilang sa mga ipinatutupad na restriksyon sa mga public utility vehicle (PUV).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page