top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Stags, naka-buwenamano, Altamirano, Villapando, bida

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 14, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 14, 2022



Natuhog ng San Sebastian-Recoletos Golden Stags ang kanilang buwenamanong panalo sa pamamagitan ng balansiyadong opensa at mahigpit na depensa upang kunin ang panalo kontra Arellano University Chiefs sa iskor na 60-51 sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) “Achieve Greatness Every Day” men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kahapon.


Ipinaramdam ng San Sebastian ang higpit ng depensa sa second half ng limitahan lang sa 11 puntos ang Arellano habang kumana sila ng 23 puntos sa pangunguna ni team captain Itchie Altamirano na bumuslo ng 10 puntos, 4 rebounds, 4 assists at 2 steals sa 5-of-10 shooting. Nag-ambag ng tig-9pts sina Kenneth Villapando at Rhinwill Yambing, na nagbida ng husto sa pananalasa ng koponan sa second half, kung saan pinaabot ang kalamangan sa 19 na puntos sa 57-38 sa 5:38 ng 4th period mula sa tres ni James Una.


“I think everybody played well and put defensive effort. Everyone steps up and lahat naman ginagawa nila. So, the good thing on this team, everyone is playing 100% kahit sino man pinapasok, and scattered ang points,” pahayag ni San Sebastian head coach Egay Macaraya, na nagawang higpitan ang depensa para itulak ang 24 turnovers at gawing 30 puntos.


Nag-ambag ng tig-9pts sina Kenneth Villapando at Rhinwill Yambing, na nagbida ng husto sa pananalasa ng koponan sa second half, kung saan pinaabot ang kalamangan sa 19 na puntos sa 57-38 sa 5:38 ng 4th period mula sa tres ni James Una.


Sunod na makakalaban ng San Sebastian para sa ikalawang sunod na panalo ang College of St. Benilde Blazers sa Biyernes, habang sa parehong araw ay babawi ang Arellano sa isa pang matibay na Perpetual Help Altas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page