top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SSS, tumaas ng 13.6% ang online funeral claim transactions ng Q1 2021

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 22, 2021



Hello, Bulgarians! Nakapagtala ang Social Security System ng 11,088 online transactions para sa funeral benefit claims ngayong unang quarter ng 2021, katumbas ito ng 13.6% pagtaas mula sa 9,762 na mga transaksiyon na naitala sa ikalawang bahagi ng nakaraang taon.


Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, ang nasabing pagtaas ay bunga ng pagpapatupad ng mandatory online transactions at checkless disbursements na sinimulan noong 2020.


“Dahil sa kampanya namin sa ilalim ng ExpreSSS — mas pinabilis, mas pinasimple, at mas pinadaling transaksiyon sa SSS — pinalawig namin ang mga online services sa My.SSS portal, kasama na ang funeral benefit applications na nagsimula noong July 2020. Makukuha ng mga miyembro ang kanilang mga benepisyo gamit ang checkless disbursements sa kanilang Unified Multipurpose Identification (UMID) cards na naka-enroll bilang ATM. Kung wala nito, ang funeral benefit ay maaaring makuha sa bangko gamit ang Philippine Electronic Fund Transfer & System Operations Network (PESONet) participating banks, o sa e-wallet gaya ng PayMaya Upgraded Account, o kaya naman sa remittance transfer companies/ cash payout outlets (RTCs/ CPOs) gaya ng M Lhuiller,” sinabi ni Ignacio.


Ang SSS funeral benefit ay ibinibigay sa sinumang nagbayad ng pagpapalibing ng namatay na miyembro. Kinakailangan lamang na ang namatay ay miyembro ng SSS maging siya man ay empleyado, self-employed, voluntary, o Overseas Filipino Worker (OFW) at mayroong kahit isang hulog sa SSS upang mag-qualify sa nasabing benepisyo. Samantala, ang empleyadong may compulsory coverage ngunit hindi ini-report ng kanyang employer ay kuwalipikado pa ring makatanggap ng funeral benefit.


Upang isumite ang funeral application online, ang SSS member-claimant ay dapat rehistrado sa SSS Website at may nakarehistrong account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM), na maaaring i-access sa www.sss.gov.ph. Kailangan nilang i-upload ang supporting documents tulad ng proof of SSS membership ng namatay, death certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) o certified true copy mula sa Local Civil registry (LCR), at proof of payment ng mga ginastos sa pagpapalibing.


Ang mga claimants na hindi pa miyembro ng SSS ay maaaring magpasa ng funeral claim application at documentary requirements sa pinakamalapit na SSS branch, kasama ng proof of disbursement account tulad ng passbook, ATM card na may pangalan ng member-claimant at account number, at validated na initial deposit slip o bank certificate/ statement na inisyu sa loob ng tatlong buwan bago i-file ang claim. Para sa mga disbursements gamit ang e-wallet/ RTC/ CPO, kailangang ibigay ng member-claimant ng kanyang mobile number. Para naman sa gabay sa pag-file ng funeral benefit application online, i-click ang link na ito: https://bit.ly/3tyhm98.


Sa karagdagang impormasyon, sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System”, Instagram sa “mysssph”, at Twitter sa “PHLSSS”, at sumali sa kanilang Viber Community na “MYSSSPH Updates.”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page