top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

SSS paying members, higit 12.3-M

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2021
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 02, 2021



Hello, Bulgarians! Alam n’yo ba? Nakapagtala ang Social Security System (SSS) noong Mayo 2021 ng mahigit na 12.3 milyong aktibong miyembrong nagbabayad ng kontribusyon, mas mababa ng 13.6 porsiyento kumpara sa 14.2 milyong naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon.


Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, ang pagbaba ng bilang na ito ay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemyang dala ng COVID-19 kung saan napilitan ang ibang establisimyento na magsara at magtanggal ng kanilang mga empleyado.


Sa kasalukuyan, mayroong 9.6 milyong employed members kung saan 78 porsiyento ito ng kabuuang bilang ng mga aktibong miyembrong nagbabayad ng kontribusyon. Sinundan ito ng 1.9 milyong voluntary members, 476,000 self-employed members, at 333,000 Overseas Filipino Worker (OFW) members.


“Ayon sa datos ng PSA noong Abril 2021, mayroong 3.44 milyong Filipino ang walang trabaho. Sumasang-ayon ang datos na ito kung ikukumpara natin sa datos ng SSS na mayroong 3.28 milyong miyembro ang hindi nakapagbayad ng kanilang kontribusyon noong 2020. Upang matulungan ang mga miyembro sa panahong ito at mapanatili ang pagiging aktibong miyembro nila, limang beses na pinalawig ng SSS ang palugit sa pagbabayad ng kontribusyon simula noong Marso 2020 kung kailan nagpatupad ang gobyerno ng malawakang lockdown,” paliwanag ni Ignacio.


Ipinaalala rin ni PCEO Ignacio sa mga members at employers na mayroong iba’t ibang SSS payment channels na mas ligtas at madaling gamitin upang makapagbayad ng kontribusyon.


Mayroon silang opsiyon na magbayad sa pamamagitan ng over-the-counter sa mga partner banks at non-banks, o kaya’y internet banking, mobile facility, My.SSS account, o sa SSS Mobile App na maaaring ikonekta sa PayMaya at BPI Online.


Maaari ring magbayad ang employers ng mga kontribusyon over-the-counter sa mga partner banks, o sa internet banking gamit ang web facility ng bangko, eGovBancNet, o sa mga non-bank collecting partners. Pinaalalahanan din sila na kailangan ng Payment Reference Number (PRN) tuwing magbabayad ng kontribusyon sa SSS. Para sa impormasyon kung paano makakuha ng PRN, maaaring bisitahin ang https://bit.ly/5WaysPRN.


Makikita ang kumpletong listahan ng SSS payment partners sa link na ito, https://bit.ly/SSSPaymentsYT.


Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang alinman sa SSS social media accounts tulad ng “Philippine Social Security System — SSS” sa Facebook; “MySSSPhilippines” sa YouTube; “mysssph” sa Instagram; “PHLSSS” sa Twitter; at “MYSSSPH Updates” para sa SSS Viber Community.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page