top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

SSS at PSA nagsama para makapaghatid ng tuluy-tuloy na serbisyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | July 28, 2022





Hello, Bulgarians! Nanguna ang Social Security System (SSS) bilang pioneer na government-owned and controlled corporation (GOCC) na bumuo ng partnership sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa integrasyon ng Philippine Identification System (PhilSys) kasama ang SSS.


Upang markahan ang okasyon, nilagdaan ng SSS at PSA ang isang Memorandum of Understanding (MOU) na nagpormal ng partnership tungo sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng PhilSys-enabled services.


“The adoption of PhilSys will open many opportunities in improving the delivery of our services, including our digital transactions, and in providing all Filipinos better access to social security protection,” saad ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet.


Idinagdag ni Macasaet na inaasahan niya ang positibong epekto ng partnership na makikinabang ang mga miyembro at stakeholder ng SSS hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.


Sa ilalim ng MOU, ang SSS at PSA ay magtutulungan at magbabahagi ng

impormasyon upang makamit ang mga layunin ng PhilSys, partikular na ang

pagpapasimple ng mga pampublikong transaksyon at ang pagpapatupad ng tuluy-tuloy na sistema ng paghahatid ng serbisyo. Dagdag pa rito, ang partnership ay susubok sa pagtuklas sa iba't ibang aplikasyon ng PhilSys at tutukuyin ang iba pang oportunidad para sa magkasanib na mga proyekto at programa.


Kabilang sa mga natukoy na proyekto, na inaasahang maipatutupad sa loob ng

ikatlong quarter ng 2023, ay ang paggamit ng PhilSys authentication services at ang PhilID/ePhilID para sa pagpapalakas ng verification ng mga miyembrong nagtransaksyon online sa pamamagitan ng My.SSS Portal at pagtiyak ng uniqueness checks para sa pag-iisyu ng bagong SSS ATM Pay Card.


Ipinahayag ni PSA Undersecretary, National Statistician at Civil Registrar General Claire Dennis S. Mapa ang kanyang tiwala sa partnership na magpapalawak sa transisyon sa digital, online na citizen-centric na paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.


Ang PhilSys, na itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 11055 o ang

Philippine Identification System Act, ay naglalayong magbigay ng wastong

patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng

dayuhan sa Pilipinas upang maisulong ang kadalian ng transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor at mapabilis ang paglipat ng bansa sa isang digital na ekonomiya, bukod sa iba pang mga benepisyo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page