SSC Lady Stags, pambihira at AU Chiefs, swak sa Semifinals
ni GA - @Sports | July 6, 2022

Naitakas ng San Sebastian College-Recoletos Lady Stags ang panalo laban sa masigasig na San Beda University Lady Red Spikers sa pambihirang 5-set victory sa 25-21, 23-25, 30-32, 25-23, 15-13 sa unang laro, habang napagwagian ng Arellano U Lady Chiefs ang 3-sets panalo kontra Aguinaldo Generals sa 25-21, 25-18, 26-24 upang makuha ang semis berth sa 2nd game sa mga nalalabing tagpo at bakbakan sa 97th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.
Binuhat at binitbit ni super rookie at No.1 scorer Katherine Santos ang career-high 24pts mula sa 22 atake at 2 service aces upang makabawi sa pangwawalis ng undefeated Lady Blazers noong Biyernes.
Dahil sa panalo, umangat sa 5-2 kartada ang Recto-based Lady spikers at mapatatag ang 3rd place sa nalalabing dalawang laro kontra sa Lyceum Lady Pirates sa Biyernes at Letran Knights sa Linggo. Sumuporta kay Santos sina Cristina Marasigan (13pts), Kristine Dionisio (10pts), at Canete na may triple-double sa 10pts, 19 excellent reception at 12 excellent digs.
Bumagsak sa 2-5 marka ang SBU Lady Red Spikers katabla ang UPHSD Altas at Aguinaldo Lady Generals, kung saan nasayang ang impresibong laro ng magkapatid na Marianne at Maxine Tayag sa 15 at 14 puntos.
Hinambalos ni Nicole Victoria Sasuman ang 13pts at ang pampanalong palo sa third set upang makuha ang 7-1 kartada, habang nag-ambag ng tig-9 pts sina Carla Donato at Charmina Dino.
Sunod na makakalaban ng Mendiola-based Volleybelles ang JRU Lady Bombers sa Biyernes at Perpetual Altas sa huling laro sa Linggo. Makakalaban ng Chiefs ang undefeated CSB Blazers sa Sabado, habang hihirit pa ng isa ang Generals laban sa Cardinals.





Comments