Squash, out sa SEAG Cambodia pero handa sa Asian Games
ni Clyde Mariano @Sports | March 5, 2023

Dahil hindi kasama ang Squash sa Southeast Asian Games, sinabi ni association president Robert Bachmann sa eksklusibong panayam na pinaghahandaan ng kanyang mga atleta ang parating na 19th Asian Games na gagawin sa Hangzhou, China.
“We are busy preparing for the Asian Games. This is our first international appearance this year. Hopefully, our athletes will figure prominently against their rivals in the region,” sabi ni Bachmann habang pinanonood ang kanyang mga athletes nagsasanay saa bagong gawang Squash court katabi ng Ninoy Aquino Stadium kung saan idinaos ang dalawang araw na Battle of Champions Arnis SEA Games qualifying na sinaksihan ni association president at Senate President Senator Juan Miguel Zubiri.
Sinabi ni Bachmann na may 20 mga bansa kasama ang Pinas ang kasali sa squash na anim na beses nilaro sa Asian Games.
Lalahok ang Pinas sa 46 sports kasama ang Squash sa Asian Games tampok ang 61 sports na ginastusan ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Richard Bachmann, kapatid ni Robert.
Inamin ni Robert na mahirap ang labang haharapin nang kanyang mga atleta dahil nasa Asian level ang competition. “It’s going to be tough in China. Our athletes are competing against top rivals in the region. To succeed, they to play hard, work hard and play with superiority,” wika ng kapatid ni Bachmann.
“Hindi ako nawawalan pag-asa. May tiwala ako sa akin mga atleta kaya nilang manalo.
Our ultimate goal manalo nang medalya. Gagawin namin ang lahat manalo gaano man kahirap ang laban dahil ang mission namin sa China manalo,” ani Bachmann. Pinalitan ni Bachmann si Romeo Rebano.





Comments