Spurs, 76ers, Jazz at Nets, nandurog

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 29, 2021

Pumuntos si Tobias Harris na may tatlong segundo sa orasan upang ibigay sa Philadelphia 76ers ang makapigil hiningang 107-106 tagumpay sa defending champion Los Angeles Lakers kahapon sa tapatan ng dalawang koponan sa tuktok ng Eastern at Western Conference mula sa Wells Fargo Arena. Sinubukang makahirit ang Lakers subalit nagmintis ang hinadaling tres ni Anthony Davis sabay tunog ng busina.
Lamang ng 14 ang 76ers papasok sa huling limang minuto, 100-86, pero pumalag at naagaw ng Lakers ang lamang sa buslo ni Davis na may 11 segundong nalalabi, 106-105. Nanguna para sa 76ers si Joel Embiid na may 28 puntos at sinundan ni Harris na may 24 habang triple double si Ben Simmons na 17 puntos.
Dahil natalo ang Lakers, umakyat at pinatibay ng Utah Jazz ang hawak nila sa liderato ng Western Conference matapos durugin ang Dallas Mavericks, 116-104, para sa kartadang 14-4. Tinakpan ng 31 puntos ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson ang pagliban ni Donovan Mitchell bilang pag-ingat sa naumpog niyang ulo noong nakaraang laro.
Kinailangan ng Brooklyn Nets ang walong puntos ni Kevin Durant sa overtime upang malusutan ang Atlanta Hawks, 132-128. Nagtala ng 32 puntos si Durant habang may 31 puntos at 15 rebound si James Harden at 26 puntos si Kyrie Irving.
Walang kabang ipinasok ng beteranong si Rudy Gay ang tatlong free throw sa loob ng huling 8.6 segundo upang masiguro ang 110-106 panalo ng San Antonio Spurs sa Boston Celtics. Gumawa ng 21 puntos si DeMar DeRozan at tinulungan ni LaMarcus Aldridge na may 20 puntos.
Binuhat nina MVP Giannis Antetokounmpo at Khris Milwaukee Bucks laban sa Toronto Raptors, 115-108. Nabitin ng isang assist si Antetokoumpo na 24 puntos habang may 24 puntos si Middleton.
Sa ibang mga laro, walang epekto ang pasa sa tuhod ni Domantas Sabonis at nagsumite siya ng triple double na 22 puntos upang manalo ang Indiana Pacers sa Charlotte Hornets, 116-106. Nanguna sa Pacers sina Doug McDermott na may 28 puntos at Malcolm Brogdan na may 25 puntos.
Naghari ang Sacramento Kings sa Orlando Magic, 121-107. Nakakuha ng malaking numero ang Kings kay Buddy Hield na may 29 puntos, Harrison Barnes na may 21 at Richaun Holmes na may 20 para sa kanilang ika-pitong panalo.
Bumalik sa panalo ang Cleveland Cavaliers kontra sa Detroit Pistons, 122-107. Uminit muli sa Collin Sexton para sa 29 puntos habang may double-double si Andre Drummond na 23 puntos at 16 rebound.





Comments