top of page

Spotted sa Bohol at Cebu na todo-enjoy… FRANKI RUSSELL, UMAMING ‘DI SI ENRIQUE ANG TYPE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 15, 2026



BULGARY - FRANKI RUSSELL, UMAMING ‘DI SI ENRIQUE ANG TYPE-IG @missfranki & @enriquegil17

Photo: IG @missfranki & @enriquegil17



Nagsalita na si Franki Russell sa kanyang pagkaka-link kay Enrique Gil.

Noong unang lumabas na spotted silang magkasama sa Bohol, akala ng ilan ay wala lang at magkaibigan lang sila. 


Kumalat ang mga espekulasyon sa relasyon nila noong Setyembre 2025, ngunit idiniin ng aktor na single siya. Pero, patuloy pa ring nagkikita ang dalawa. 

Ayon kay Franki, nasa ‘getting to know’ stage sila ni Enrique since last year. 


Nabanggit pa niya sa isang panayam noong nakaraang taon na isa sa kanyang mga mithiin para sa 2026 ay makahanap ng bagong pag-ibig.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi niyang ang pagkakita sa kanila ni Enrique ay isang group trip sa Cebu. 


Ibinahagi ng aktres na naroon ang kanyang kaibigan, at pati na rin ang kaibigan ni Enrique. Naging masaya naman daw ang kanilang bakasyon.


Sa kabilang banda, napagdesisyunan nilang mas mabuting maging magkaibigan na lamang. Sinabi rin ni Franki Russell na masaya siya para kay Enrique Gil dahil gumagawa ito ng magagandang proyekto.


Nang tanungin kung ano ang hinahanap niya sa magiging boyfriend, aniya, gusto niya ang isang lalaking gagawin ang lahat para ipakita na talagang interesado ito sa kanya.


So, hindi ba nag-effort si Enrique kaya hindi sila natuloy sa relasyon at na-friendzone agad?





Habang inaatake ng anxiety…

ALEXA, UMAMING NEVER INIWAN NI DARREN



IBINAHAGI ni Alexa Ilacad ang walang sawang suporta sa kanya ni Darren Espanto na nanatili sa kanyang tabi hanggang sa finals ng Your Face Sounds Familiar Season 4 (YFSFS4).


Sa backstage that night, panay ang himas ni Darren kay Alexa habang inaatake ng anxiety, ayon sa ulat ng ABS-CBN News. 





Nagpahayag naman si Alexa ng pasasalamat sa kanilang matibay na pagkakaibigan.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang damdamin matapos muling i-post ng mga fans ang isang video na nagpapakita ng kanilang pagyayakap sa backstage matapos ang kanyang huling pagtatanghal.


Ani Alexa, “Mula umaga pa lang hanggang sa matapos ang buong show, Darren stayed to show his full support and to cheer me on. Papasok na lang ako ng stage, nandu’n pa rin siya sa tabi ko, distracting me from my anxiety attack.”


Well, mga Ka-BULGAR, mahalaga talaga ang may taong sumusuporta sa iyo dahil hindi sa lahat ng oras ay malakas ang ating loob. 





NAGSAMPA umano ng criminal case ang pulitikong aktor na si Alfred Vargas at ang asawa niyang si Yasmine laban sa mga magulang ng batang nang-bully sa kanilang anak.

Komento ng mga netizens…


“Nice move. Dapat masampulan ang mga magulang na takot disiplinahin ang mga anak.”

“Naku, maraming woke ang magagalit d’yan kasi ‘di raw dapat pinapagalitan at dinidisiplina ang mga bata. Makakasama raw sa mental health ng mga bata.”


“Suporta ko ang mga Vargas. Grabe ang pambu-bully sa anak nila. May sexual harassment pa.”


“Sinusuportahan ko rin nang buo ang mga Vargas. Dapat parusahan ang ina ng bully na ‘yun, dapat ding parusahan ang mga kaibigang bully.”

“May mga witness sila sa ginawa sa bata.”


“Mabuti ‘yan nang masampulan. Gusto ko itong umabot sa Supreme Court nang maging landmark decision. Ang mga bullies kasi, nakikita nila ‘yan sa pamamahay. Maaaring nakasaksi sila ng pang-aabuso sa bahay.”


“Malaki siguro ang donation ng family ng bully. Imagine, ‘di sila takot sa tatay ng bata na politician. Napaka-squammy ng mama ng bully at ang ugali ng bully. May ganito pala sa mga pangmayamang schools. ‘Kaloka!”


Oo naman, mga Ka-BULGAR, laganap talaga ang bullying hindi lang sa paaralan, pati na rin sa loob ng tahanan at kahit nga sa opisina o pinagtatrabahuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page