Spotted na holding hands sa Pampanga… JAMESON, NAGSALITA NA SA KANILA NI BARBIE
- BULGAR

- Jul 1
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 1, 2025
Photo: Barbie at Jameson Blake - IG
Sentro ngayon ng tsismisan ng mga Marites online sina Barbie Forteza at Jameson Blake. Ito ay matapos mag-viral ang larawan nila na magka-holding hands sa katatapos lang na fun run na Cabalen Half Marathon held in Clark, Pampanga.
Ang viral photo ay selfie ng isang batang naroroon din sa event at nahagip ng camera sina Jameson at Barbie sa background na tila magka-holding hands.
Caption ng netizen na nag-post, “Barbie at Jameson holding hands sa isang fun run? Sila na ba?”
Sa comment section ay sandamakmak ang reaksiyon ng mga netizens. May mga kinikilig at sinusuportahan ang dalawa sakali ngang true na sila na. Pero mayroon din namang nagsabi na baka promo lang ito para sa pelikula nila together.
Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na naispatang magkasama sina Barbie and Jameson sa isang fun run. Una silang naispatan sa Lights, Camera, Run! fun run noong May 10 at dito na rin nagsimula ang tsismis tungkol sa kanilang dalawa.
Sa isang panayam kay Jameson ay sinabi niyang naging close talaga sila ni Barbie simula nang gawin nila ang kanilang pelikula pero inamin din niyang gusto pa niyang makilala nang husto ang aktres.
Iniintriga ngayon ng mga netizens sina Barbie Imperial at Marco Gumabao matapos silang mamataan na kumakain sa isang restaurant nang silang dalawa lang.
Sa latest vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi ay ipinakita nila ang kumalat na video nina Marco at Barbie na magkasamang kumakain sa restaurant sa Rockwell.
Tanong ni Mama Loi, “So, silang dalawa na ang magkasama? Wala na sila ni Richard (Gutierrez)?”
Sagot naman ni Ogie, “‘Yan nga ‘yung tanong ng mga nakakita ru’n, ‘Wala na ba si Barbie Imperial saka si Richard Gutierrez?’”
Paglilinaw ng talent manager/vlogger, sina Richard at Barbie pa rin daw.
Tanong ulit ni Mama Loi, “O, eh, ba’t magkasama si Marco at si Barbie?”
Ang paliwanag ni Ogie, “Ano’ng apelyido ni Barbie? Si Marco ay ang tunay na pangalan ay Marco Imperial Gumabao. Sila ay magkamag-anak at very, very close sila.”
Pagdedetalye pa niya sa relasyon ng dalawa, pamangkin daw ni Barbie si Marco.
“Dahil pinsan ni Barbie Imperial ang nanay ni Marco,” aniya.
Hirit pa ni Ogie, “Kaya du’n sa mga nagkakalat o sa mga bashers na parang sume-segue si Barbie, ‘yan na po ang malinaw. Magkamag-anak po sila at madalas din silang magkasama.”
Tsika pa niya, nang araw na nasa restaurant sina Barbie at Marco ay hinihintay daw nila si Richard.
“Kaya lang, hindi na kinaya ng powers ni Richard kasi si Richard that day ay galing o manggagaling naman sa presscon o sa mediacon ng finale ng Incognito,” tsika ni Ogie.
Kaya itigil na raw ang pagli-link kina Barbie Imperial at Marco Gumabao.










Comments