top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Sporting arms show, target ang patas na batas sa gun ownership

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23
  • 2 min read

by MC @Sports News | July 23, 2026



Proteksyon sa mga gun sports enthusiast maging sa disiplinadong gun owner ang target sa pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa pangunguna ni AFAD President Alaric "Aric" Topacio katuwang si Senator Majority floor leader "Migz" Zubiri kasama ang iba pang mga opisyal sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex kahapon kung saan ang exhibition ay tatagal ng limang araw hanggang Hulyo 26

Photo: Proteksyon sa mga gun sports enthusiast maging sa disiplinadong gun owner ang target sa pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa pangunguna ni AFAD President Alaric "Aric" Topacio katuwang si Senator Majority floor leader "Migz" Zubiri kasama ang iba pang mga opisyal sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex kahapon kung saan ang exhibition ay tatagal ng limang araw hanggang Hulyo 26. (Reymundo Nillama)  



Bilang proteksiyon  sa karapatan ng mga responsable, masunurin sa batas na firearm owners kasunod ng pagbubukas ng Defense Sporting Arms Show, pinakinggan ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel 'Migz' Zubiri ang sitwasyon ng mga nagmamay-ari ng baril. 


"His legislative work reflects the principle that the law should focus on criminals and illegal firearms and not create unnecessary burdens for citizens who faithfully comply with existing laws," ayon kay Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) President Alaric "Aric" Topacio.


Naniniwala siya na ang isang responsableng firearm owners ay mabigyan ng karapatang batas na patas, praktikal at epektibo. 


Sa pagsasalita ni Zubiri sa opisyal na pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) kahapon sa SMX Convention Center, MOA complex hinalimbawa niya at binigyang diin kung ano ba ang pananagutan ng isang nagmamay-ari ng baril sa sandaling 'makasakit' ang armas kahit hindi naman siya ang gumamit o bumaril at kung ano ba ang magiging batas sakaling ninakaw ito at ginamit ng iba sa krimen lalo na ngayong bumabata ang edad ng mga natututong gumamit ng baril.  At kung ano rin ba ang batas sakaling ang isang gun owner ay yumao na at maiiwan na ito sa kanyang mahal sa buhay. 


"Sen. Migz Zubiri has consistently listened to the concerns of responsible firearm owners nd the firearms industry," ani Topacio. 


Kasabay nito itinampok din sa AFAD event ang pangunahing exhibisyon ng mga makabagong firearms, sports shooters, collectors, retailers, manufacturers, distributors kasabay ng panghihikayat na maging maingat at responsable ang isang may-ari ng baril, mailunsad ang kaligtasan at depensa ng bawat isa sa patuloy na pag-usad ng industriya ng armas. 


"Malinaw ang ating batas, laban tayo sa mga kriminal habang nirerespeto natin ang mga kuwalipikado at masunurin na firearm owners," dagdag pa ni Topacio. "Patuloy na edukasyon, disiplina at  batas ang patuloy nating paiiralin sa mga may hawak ng armas." 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page