top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Spence Jr., tinalo si Ugas sa 10th round

BULGAR
Apr 18, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | April 18, 2022




Hindi alintana ni unbeaten American unified welterweight champion Errol “Truth” Spence Jr. ang matagal na pagkakabakante sa pakikipagbuntalan upang mapanatili ang IBF at WBC titles at maagaw ang WBA (super) 147-pound belt kay Yordenis “54 milagros” Ugas ng Cuba, kahapon ng umaga sa dumadagundong na AT&T Stadium sa Arlington, Texas.


Matapos ang 14-na buwang pagpapahinga dahil sa injury sa kanyang mata, pinatunayan ng 32-anyos na 2012 London Olympic boxer na mali ang impresyon sa kanya at pasukuin ang 2008 Beijing Olympics bronze medalist sa 1:44 ng 10th round at ipatigil ni referee Laurence Cole para sa TKO victory.

Ipinanganak sa Long Island, New York, ngunit lumaki sa DeSoto, Texas si Spence Jr na nagawang makatakas sa delikadong round 6 nang magpasuray-suray dahil sa mga sunod-sunod na tiradang suntok ni Ugas na nagresulta sa pagpapatalsik ng mouthpiece.

Subalit nanindigan si Spence na hindi ito uurong at tutumba na nagdulot sa pagpapamaga sa kanang mata ng Cuban boxer. “I didn't have any doubts at all. I believed in myself 100% and trained 100%,” saad ni Spence. “I didn't want a tune-up fight or someone I knew I could beat. I wanted someone who would bring out the best in me and Ugas did that. The nutritionist helped a lot. I lost the weight and they did a great job. It was just my work in the gym. I felt like my timing was off [early in his return] but I just kept working,” ani Spence Jr. na nakuha ang kanyang ika-28th panalo kaakibat ang 22 knockouts.

Dahil sa pagkakapanalong ito, sunod na pupuntiryahin ng 3-time US national champion si WBO welterweight kingpin at parehong undefeated na si Terrence “Bud” Crawford na malugod na binati ang unified champion at nag-alok ng pinaka-aabangang bakbakan sa kanyang social media account.

Matatandaang tinalo ng 35-anyos na tubong Santiago, Cuba ang nag-iisang 8th-division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao noong Agosto 21, 2021 na nagtapos sa 12-round unanimous decision upang mapanatili ang titulong iniangat matapos hubaran ng titulo ng WBA si Pacman na nakatakda sanang labanan si Spence Jr. sa parehong buwan, ngunit dumaan ito sa biglaang pagpapa-opera ng retina sa mata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page