top of page

Speed Hitters, nakaisa agad sa semis; Titans 7th place sa PVL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | July 23, 2023




Laro sa Lunes (Philsports Arena)

4:00 n.h. – Kurashiki Ablaze vs Cignal HD Spikers

6:30 n.g – PLDT High Speed Hitters vs Kinh Bac Bac Ninh Womens


Matamis na unang panalo sa semifinals ang kinonekta ng PLDT High Speed Hitters ng kunin ang madaling straight set na panalo kontra F2 Logistics Cargo Movers sa bisa ng 25-19, 25-19, 25-18, habang nakamit ng Choco Mucho Flying Titans ang 7th place nang walisin ang Chery Tiggo Crossovers sa pamamagitan ng 25-20, 26-24, 25-15 kahapon sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.


Kumana ng game high 20 puntos si Honey Royce Tubino mula sa 18 atake at tig-isang block at ace, habang sinundan ni Fiola Ceballos ng siyam at Dell Palomata ng 8 puntos upang makabawi sa straight set pagkabigo kontra Cignal HD Spikers nitong nagdaang Huwebes. Nag-ambag rin sa opensa at depensa sina Rhea Dimaculangan sa 14 excellent sets at Kath Arado na sumali ng 14 digs ar walong receptions upang makuha ang 1-1 kartada sa maigsing single round robin semifinals.


"High morale kami ngayon kasi first win namin sa semis pero more tiyaga at more training pa kami para sa next games,” wika ni Tubino. “Nagfocus lang talaga kami sa sarili namin at dinugtungan lahat ng pinagharapan sa training, mga pagod at hirap sa team effort na 'to.”


Tanging si Myla Pablo lamang ang tumapos ng doble pigura sa 10pts para sa Cargo Movers, habang sumuporta sina Majoy Baron at Aby Marano na may tig-siyam puntos na nalasap ang ikalawang sunod na pagkatalo sa semifinals sa 0-2 marka matapos matalo sa Creamline Cool Smashers nitong Huwebes.


Humataw naman ng husto para sa Choco Mucho si Caitlin Viray sa 22pts mula sa 17 atake, tatlong blocks at dalawang aces, samahan pa ng walong digs, habamg sumegunda sa kanya si Sisi Rondina na may 15pts muka sa 14 atake kasama ang siyam digs at anim receptions para tapusin ang kampanya sa classification match.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page