top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Speed Cubing Open ilulunsad ng Asian Mind Sports at POC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 20, 2026



Magtatagisan ang pinakamahuhusay na speed cubers sa Tagaytay City Combat Sports Center.

Photo: Magtatagisan ang pinakamahuhusay na speed cubers sa Tagaytay City Combat Sports Center.



Ilulunsad ang kauna-unahang Philippine National Speed Cubing Open na lalahukan ng pinakamahuhusay na manlalaro sa bansa simula Mayo 26 hanggang 27, 2026, sa Tagaytay City Combat Sports Center. 


Nagsanib-pwersa ang Asian Mind Sports Association (AMSA) at Philippine Olympic Committee (POC) sa pagsasagawa ng  torneo bilang Exhibition Discipline sa ilalim ng gabay ng Olympic Council of Asia (OCA). 


Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino,  inaasahang palalakasin nito ang mind game sa bansa.   “We played the cube as kids at one time or another and what we thought then was merely a game is now a serious sport,” pahayag ni Tolentino, na naglalayong palaganapin ang mind game sa bansa at gawing isang priority area para sa national-level development kasunod ng obserbasyon nito sa disiplina noong 2025 Asian Mind Sports Festival sa Singapore.


Kilala ang pinakasikat na speed cubing equipment na Rubik's Cube na nilulutas ng mga elite cuber gamit ang pattern recognition, muscle memory at mga paunang natukoy na sequence na tinatawag na "algorithm," ayon sa web.


Bilang kauna-unahang nationally endorsed speed cubing open tournament sa Pilipinas, ang event na itinataguyod ng Stellar Cube ay kumakatawan sa isang makabuluhang hakbang tungo sa propesyonalisasyon at pagsasama ng speed cubing sa sports ecosystem ng bansa.


Ang inaugural na pambansang torneo ay magpapatibay sa sistema ng mga pamantayan ng AMSA, kabilang ang pagmamarka ng atleta, sertipikasyon ng referee, pag-unlad ng coach at instructor, at mga structured na framework ng club.


Saklaw sa unang araw sa Mayo 27 ang Philippine National Speed ​​Cubing Summit at AMSA Referee Certification Training habang ang Day 2 ay ang tournament proper na nagtatampok ng 3x3x3 cube, 2x2x2 cube, Pyraminx, 3x3x3 one-handed at 3x3x3 blindfolded.          

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page