Speak Easy, Munich suportado ng Liyamadista
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 10, 2022
Magsasanib-puwersa ang magka-kuwadrang Speak Easy at Munich para makuha ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sasakyan nina jockey JL Santiago at RC Baldonido sina Speak Easy at Munich ayon sa pagkakasunod, mapapalaban ang mga pambato ni horse owner Faustino Datu kontra anim na kalahok sa distansiyang 1,300 meter race.
Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Money In My Pocket, Don Damiano, Lady Of Peace, Angel Brulay, Little Ms. Saturday at Phenom.
Hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ayon sa mga karerista, lamang sa laban ang magkakamping Speak Easy at Munich kaya inaasahang malaking suporta ang matatanggap nila sa mga liyamadista. "Tingin ko mahirap matalo sila Speak Easy at Munich kaya puwede ako mag-single bet sa laban na 'yan," saad ni Artemio Cordero, karerista.
Samantala, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 5 kabayo sa Condition Race (24) na pakakawalan sa pang-6 na karera.
Magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,300 meter race ay sina Cannon Ball, Luyang Cave, One More One More, Keen Alisha at Grand Princess.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Atomic Blonde/Kingship (8/8A), Greater Good (6), Melody's Diamond/Chase The Gold (1/1A)
Race 2. Hunyo Disinueve (8), Ten Ten Forty (1)
Race 3. Lady Goldie/Iron Hook (5/5A), Bonifacio (4), Black Magic Woman (3)
Race 4. Speak Easy/Munich (5/5A), Don Damiano (2), Lady Of Peace (3)
Race 5. Juliana's Gold (6), Crown In My Head (5), Honorifique (3)
Race 6. Cannon Ball (1), Luyang Cave (2)
Race 7. Hello Junior (4), Minotaur (2), Ultimate Royale, (1)





Comments