Sotto, Ramos at Edu ng Gilas inupos ang Iran sa FIBA Q'fiers
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
by Anthony Servinio @Sports News | August 30, 2026
Photo: Reymundo Nillama
Laro sa Nob. 27 - TBA Syria vs. Pilipinas
Pumiga ng malupit na 68-56 na panalo ang Gilas Pilipinas sa Iran sa FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers Linggo ng gabi sa siksikang MOA Arena. Dalawang sunod na ang mga Pinoy upang pumantay ang kartada sa 4-4 sa Grupo E.
Mula sa 64-64 tabla ay bumira ng pitong puntos sina Dwight Ramos at Kai Sotto para maging 71-64 at apat na minuto ang nalalabi. Inalagaan ng Gilas ang bentahe ng mabuti sa pagpasok nina Sotto at AJ Edu ng mga free throw hanggang naka-shoot sina Ramos at Edu sabay biglang lamig ng opensa ng Iran. Parehong 16 sina Ramos at reserba Juan Gomez de Liano.
Double-double si Sotto na 13 at 16 rebound. Nagsilbi din ang tagumpay na nararapat na despedida para kay June Mar Fajardo na inihayag ang kanyang pag-retiro sa pambansang koponan.
Subalit ayon kay Coach Tim Cone, dapat maging handa at maaari pang tawagan si JMF na gumawa ng anim sa pitong minuto bilang reserba. Naging malaking problema ang pinakamaliit na manlalaro ng Iran Mobin Sheikhi na bumira ng limang tres para sa 21 sa 27 minuto.
Walang kakampi ang naka-10 salamat na rin sa depensa Gilas. Bumaba ang Iran sa 5-3. Susunod para sa Gilas ang 2-6 at kulelat Syria sa Nobyembre 27.







Comments