Sotto, pinatalsik ng 13 senador... Cayetano, bagong Senate President
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 12, 2026

Photo: Senate of the Philippines - Wendell AlineaSenate Social Media Unit
Pormal nang inihalal bilang bagong pangulo ng Senado si Senador Alan Peter Cayetano bilang kapalit ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III.
Sina Senators Imee Marcos at Joel Villanueba ang nag-nominate kay Cayetano bilang bagong SP.
Nabatid na 13 senador ang sumuporta kay Cayetano, kabilang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at siyam naman ang bumoto pabor kay Sotto habang dalawa ang nag-abstain.
Ang mga bumoto para palitan si Sotto ni Cayetano ay sina Senators Loren Legarda, Camille Villar, Mark Villar, Joel Villanueva, Imee Marcos, Chiz Escudero, Robin Padilla, Bong Go, Rodante Marcoleta, Bato dela Rosa, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada at Tito Sotto.
Pumabor naman kay Sotto sina Senators Bam Aquino, Ping Lacson, Risa Hontiveros, Alan Cayetano, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Lito Lapid, Win Gatchalian at Kiko Pangilinan.
Nag-abstain naman sina Senators JV Ejercito at Migz Zubiri.
Si Cayetano na ang ikaapat na lider ng Senado sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Naganap ang balasahan sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Inaasahang aakyat ang reklamo sa Senado para sa isang ganap na impeachment trial.





Comments