Sotto, bomalabs sa Gilas 2023 FIBA dahil na-injured
- BULGAR
- Jul 17, 2023
- 1 min read
ni VA @Sports | July 17, 2023

Posibleng hindi makalaro para sa Gilas Pilipinas sa darating na 2023 FIBA Work Cup si Kai Sotto.
Ito'y pagkaraan niyang ma- injured sa pagtatapos ng kanyang stint sa NBA Summer League kahapon ng umaga (Manila time). Sanhi ng nasabing injury, tumagal lamang si Sotto nang mahigit walong minuto matapos siyang ipasok sa first half.
Inilabas siyang scoreless na may natitira na lamang 5:35 na oras sa second period at hindi na nakabalik. Walang naipasok si Sotto sa tatlo niyang field goal attempts.
Nakapag-ambag lang sya ng dalawang rebounds at tig-isang assist at shotblock sa nasabing 77-94 na kabiguan ng Magic sa Celtics.
Nabigo siyang mahigitan ang impresibo niyang laro nang una siyang gamitin kamakalawa kontra Portland kung saan nagposte siya ng 6 na puntos, 4 na rebounds, 3 blocks at isang assist sa loob ng mahigit 13 minuto sa loob ng court.
Wala pang plano kung ano ang susunod na hakbang ni Sotto ayon sa handler nito na si Tony Ronzone maliban sa uuwi ito ng Pilipinas sa Miyerkules.
Dahil sa napakaikling exposure na ibinigay sa kanya, posibleng maapektuhan ang tsansa ni Sotto na mabigyan ng offer para maglaro sa NBA.
At kung hindi makakuha ng offer para maglaro sa NBA, maaaring ituloy na lamang ni Sotto ang paglalaro para sa Hiroshima Dragonflies sa Japan’s B. League.








Comments