top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sotto at Lacson, tutol sa Martial Law para ‘wag lumabas na wa’ ‘wenta ang Anti-Terror Act

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 31, 2020



WALANG ‘K’ MAG-CELEBRATE SA NATIONAL HEROES DAY ANG MGA TIKLOP SA CHINA—National Heroes Day ngayon.


Kaya’t sa mga opisyal ng pamahalaan na dedma lang sa pang-aagaw ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas, wala silang “K” na maki-celebrate sa makasaysayang araw na ito kasi ang mga bayani natin ay ibinuwis ang buhay laban sa mga mapanakop na dayuhan, tapos itong mga opisyal ng pamahalaan na nasa poder ngayon, tiklop sa pananakop ng China sa karagatan at mga islang pag-aari ng Pilipinas, period!

◘◘◘

AYAW NINA SOTTO AT LACSON ANG MARTIAL LAW KASI LALABAS NA WALANG ‘WENTA ANG ANTI-TERROR ACT—Tutol sina Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto at Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa hirit ng Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP) na isasalim sa Martial Law ang Sulu matapos magsagawa ng terorismo sa lalawigang ito ang mga terorista.


Natural lang na tututulan nina Sotto at Lacson ‘yan kasi lalabas na walang ‘wenta ang kanilang Anti-Terror Act kapag inaprub pa nilang magka-Martial Law sa Sulu, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page