top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Sotto at Gilas men haharapin ang Jordan sa World Cup Qualifier Leg 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

by Anthony Servinio @Sports News | August 24, 2026



Brownlee at Kai Sotto - FIBA Asia Cup - Instagram.

Photo: File / Gilas



Laro sa Biyernes - MOA

2:00 PM Iran vs. NZ 5:00 PM Syria vs. Australia

8:30 PM Jordan vs. Pilipinas


Lalong nabawasan ang lakas ng Gilas Pilipinas matapos na opisyal na ipahayag na hindi pa rin makalaro si Justin Brownlee. Haharapin ng pambansang koponan ang bisitang Jordan ngayong Biyernes sa pagsisimula ng pangalawang yugto ng FIBA World Cup 2027 qualifiers sa MOA.


Hindi pa binibigyan ng pahintulot si Brownlee matapos sabay mapilay sa hita at paa noong qualifier laban sa Aotearoa New Zealand noong Hulyo 3 na 102-106 talo sa overtime. Dahil dito, yumuko muli ang Gilas sa Australia, 92-49, noong Hulyo 6 para wakasan ang unang yugto sa 2-4 panalo-talo.


Maliban kay Brownlee, hindi pa kumpleto ang papeles ni Bennie Boatwright kahit pumasa ang batas na ginagawa siyang mamamayan ng Pilipinas.


Idagdag na rin si Ange Kouame na nagpasyang tumutok sa kanyang koponan sa Pransiya habang si Malick Diouf ay mas nakalinya sa Gilas 3x3. Ang biglaang pagliban ng mga nabanggit at nagbukas ng bagong hamon kay June Mar Fajardo, AJ Edu, Justine Baltazar, Justin Arana, Troy Rosario, Carl Tamayo at ang nagbabalik na si Kai Sotto na labanan ang mga higante ng oposisyon. Kasama rin sa listahan sina Scottie Thompson, Juan Gomez de Liano, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, RJ Abarrientos, CJay Perez at Chris Newsome.


Ang Jordan ay kagagaling lang sa pagiging ika-anim sa katatapos na ika-45 William Jones. Ito ang parehong koponan na binigo ng Filipino club Strong Group Athletics sa labanan para ika-lima, 96-91.


Sa nalalabing anim na laro ay bawal na magkamali ang Gilas at isang talo na lang ang maaaring magwakas ng kanilang pangarap sa World Cup. Inilipat ng FIBA ang lahat ng mga laro sa Pilipinas dahil sa patuloy giyera sa Gitnang Silangan ng Iran laban sa Israel at Amerika kaya mapapanood din muli ang mga kinatawan ng Australia, NZ, Iran, Jordan at Syria.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page