Sorry na lang sa fans… JILLIAN, TAGUNG-TAGO ANG LOVE LIFE
- BULGAR

- Oct 11, 2024
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 11, 2024
Photo: Instagram / Jillian Ward
Ayaw ilantad sa publiko kung sino ang ‘special someone’ na inspirasyon ngayon ng Kapuso young actress na si Jillian Ward. Kahit anong pilit ay ayaw talaga niyang i-reveal kung sino ang lucky guy.
Nakasama ba niya ito sa seryeng Abot-Kamay na Pangarap (AKNP)? Nakatrabaho na ba niya ang kanyang biggest crush? Kaedad lang ba ni Jillian ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon?
Bakit kailangan pa niyang itago o ilihim ang pagkatao ng guy?
Sa isang interbyu, sinabi ni Jillian na hindi raw alam ng guy na crush niya ito. Hindi kasi siya showy sa kanyang feelings at hindi rin niya sinasabi sa kanyang mga close friends. Top secret daw kung sino ang kanyang special someone.
Well, mukhang hindi nga prayoridad ni Jillian Ward ang kanyang love life. Sobrang dedicated siya sa kanyang showbiz career, at ang future ng kanyang pamilya ang inuuna.
Hindi masasabing na-miss niya ang kanyang kabataan dahil sa maaga siyang nagtrabaho. Nag-enjoy naman siya sa showbiz dahil natupad ang pangarap niyang maging artista.
Ang ikinalulungkot lang ni Jillian ay kapag nagtatapos na ang kanyang serye at maghihiwalay na ang cast na nakatrabaho niya, tulad ng top-rated series na AKNP na umere at pinanood ng mga viewers sa loob ng dalawang taon. Maraming happy memories si Jillian Ward at nakilala siya ng marami dahil sa AKNP. Mas nag-level-up din ang kanyang pagiging aktres.
MARAMING fans ni Rhian Ramos ang nagwi-wish na sana ay si Sam Verzosa na ang maging forever life partner niya. Deserve raw ni Rhian ang isang mabait, humble, hardworking at matulungin na tulad ni Cong. Sam, na ngayon ay tatakbong mayor ng Maynila.
Laking-Sampaloc, Maynila at galing sa mahirap na pamilya si Sam, pero nagsikap makaahon sa kahirapan. Lahat ng klaseng trabaho ay kanyang pinasok at hindi ikinahiya, kaya alam ni Sam ang pinagdaraanan ng mga taong kapos sa buhay.
Sa kanyang programa na Dear SV (DS), nagbabahagi siya ng tulong sa mga taong higit na nangangailangan.
Sa kanyang pagtakbo ngayon bilang mayor ng Maynila, very supportive si Rhian Ramos at tumutulong sa mga charity projects ng nobyo. Natutuwa si Rhian sa pagkakawanggawa ni Sam. May ilang mga netizens nga ang nagsasabing sa lahat ng naging BF ni Rhian Ramos, si Sam Verzosa ang karapat-dapat sa kanya.
Well, malaking kabiguan at kahihiyan ang dinanas ni Rhian noon kay DJ Mo Twister. Wala ring naging impact sa buhay niya nang magkaroon siya ng relasyon kina KC Montero at JC de Vera.
Parehong hindi umusad ang kani-kanilang career nang sila ay naging magkasintahan.
Pero sa piling ni Sam Verzosa, naging tahimik at masaya ang love life ni Rhian Ramos. Three years na ang kanilang relasyon, and still going strong! Swak na swak sila sa isa’t isa.
NASA Pilipinas ngayon ang Filipina singer na tinaguriang ‘Pearl of Tokyo’ na si Sheryl Alcantara-Yusa. Magge-guest siya sa iba’t ibang local TV shows upang i-promote ang kanyang upcoming events at series of shows sa Japan.
Bongga ang career ni Sheryl sa taong ito dahil makakasama niya sa kanyang series of shows ang 16 GMA Sparkle artists sa pangunguna nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz, atbp..
Ngayong darating na Oktubre 19 at 20, magso-show si Sheryl Alcantara-Yusa sa Igusamori Park, Suginami City, Tokyo, Japan. Madalas kunin sa mga shows si Sheryl dahil hataw siya kapag nagpe-perform, kaya gustung-gusto siya ng Japanese audience.
Sa Nobyembre naman, ang bandang SIAKOL at si Joshua ng Freestyle ang makakasama niyang mag-show sa Yokosuka, Tokyo, Japan. Pagkakataon na ito ng ating mga kababayan sa Tokyo, Japan na panoorin si Sheryl Alcantara-Yusa.










Comments