Sorry na lang, David at Kyline… DANCE VIDEO NINA BARBIE AT CHOI BO-MIN, NAKA-6.7 M VIEWS NA
- BULGAR
- 5 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 21, 2025
Photo: Barbie Forteza at South Korean singer-actor Choi Bo-min - CreaZion Studios - Circulated
May konting reklamo ang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco sa GMA. Dapat daw, hindi isinabay sa fanmeet ng BarDa for their toothpaste endorsement ang paglabas sa dance video nina Barbie at South Korean singer-actor Choi Bo-min. Nahati raw ang atensiyon ng mga fans kina Barbie at David at Barbie at Choi Bo-min.
Nangabog pa naman ang dance video challenge nina Barbie at Choi na kuha sa loob ng train habang nasa Seoul sila at nagte-taping ng Beauty Empire (BE). Sa first two hours na na-upload ang dance video, umabot sa more than 2 million ang views nito.
Ang latest update, may 6.7 million views na ang dance video kung saan sumayaw sila sa song na Me Jalo ng Fuerza Regida.
Positive rin ang comments ng mga fans sa video, kahit nagsasayaw lang, may chemistry daw sina Barbie at Choi Bo-min.
Nakakakilig daw sila at ang wish ng mga fans, silang dalawa ang pagtambalin sa series ng GMA na malapit na ang premiere.
Kaya lang, may mga umaapelang mga fans ni Kyline Alcantara, sila raw ni Choi Bo-min ang gawing magka-love team dahil mas may chemistry sila. Kaya lang, wala silang dance video gaya ni Barbie.
This Wednesday, May 21, ang 72nd birthday sana ni Nora Aunor. Kaya lang, wala na ang Superstar, pero may tribute sa kanya ang industriya sa kanyang kaarawan.
May post si Gina Alajar tungkol dito at malalaman kung ano’ng klaseng tribute ito at kung saan mapapanood.
“The one and only Superstar touched and changed their lives forever. They catapulted her to a phenomenon that happens only once in a lifetime.
“In honor of our National Artist for Film and Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor, we offer this tribute for her and to all her devoted fans around the world. This is their story.
“FANEY (The Fan) starring Laurice Guillen with Gina Alajar introducing Althea Ablan. With the special participation of Perla Bautista, Bembol Roco, Ian de Leon, Angeli Bayani and Roderick Paulate. Produced by Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf and AQ Films. Directed by Adolfo Borinaga Alix, Jr.
“Special screening this May 21 as a tribute in time for Ms. Nora Aunor’s birthday at Gateway Cinema 11.”
Para pa rin sa kaarawan ni Nora, ise-celebrate ng Kamuning Bakery ni Wilson Lee Flores ang special day ng Superstar with Pan de Nora, a special bread tribute for the great actress. Marami ang um-order at may mga nabasa kaming comment na personal silang bibili ng Pan de Nora bilang suporta.
SUPORTADO ni Miguel Tanfelix ang leche flan business ng mom niyang si Mommy Grace Tanfelix, kaya kapag wala siyang taping ng Mga Batang Riles (MBR), siya mismo ang nagde-deliver ng mga order sa mom niya.
Nagugulat ang mga nag-o-order pagdating ng leche flan na naka-kotse ang nagde-deliver at si Miguel pa ang personal na naghahatid.
Nai-share sa Facebook (FB) ng Mommy Grace Kitchen ang photo ng customers na masayang hawak ang kanilang order. Kasama pa sa larawan nila si Miguel na nasa loob ng kotse.
Kaya lang, may mga nag-o-order ns taga-Batangas, La Union, Bulacan at pati Angeles, Pampanga na gustong si Miguel ang mag-deliver. Isa pang request, isama raw ni Miguel ang GF niyang si Ysabel Ortega kapag nag-deliver siya.
Sabagay, dapat suportado ni Miguel ang food business ng mom niya dahil siya ang nakaisip at nagbigay nito at siya rin ang nag-source ng gagamitin ng mom niya sa pagluluto ng leche flan.
Pati nga ang paglalagyan ng mga order, si Miguel ang naghanap at namili.
Comentarios