top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

“Sorry for late delivery” Nietes, food delivery rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2022
2 min read

ni Billy Zapa - @Sports | November 12, 2022



Ikinagulat ng maraming boxing fans ang litratong ipinost ng 4-division world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes sa kanyang FB page dahil nakita siya sa larawan na nakasuot ng uniporme ito ng isang kilalang food delivery service.


Kasunod ang isang video ni Nietes na nakasakay ng motorsiklo sa isang maliit na sapa habang nakalubog sa putik ang panghuling gulong nito. “Sorry for late delivery,” saad ni Nietes sa kanya caption.


Napapaisip ang karamihan kung bakit naging delivery rider nalang ang dating Pinoy World Champion na maraming inambag sa kasaysayan ng pandaigdigang suntukan, maraming digmaan at malalaking laban na ang kanyang pinagdaanan. “Marangal na trabaho ito, taas noo at proud ako kaya saludo sa lahat na mga rider na malaki kaya ang kitaan dito,” ani Nietes.


Sa eksklusibong panayam ng Bulgar Sports sa Legendary boxer hindi niya ine-expect na magte-trending ang kanyang post sa social media. “Ganito naman ako palagi lalo na kapag wala pang schedule na laban busy ako sa mga business hands on kasi ako na tao, minsan ang mountain bike kasama ko sa akyatan bukid pero most of the time 'yong sariling truck 'yong gamit ko sa mabigat o malakihang delivery parang ehersisyo na rin sa akin bilang boksingero. Patungkol naman sa pagiging food delivery rider ko just for fun lang sir dahil gusto kong makapagbigay ng kasiyahan sa lahat ng followers at solid supporters ko, that's it.”


Huling sumampa sa ibabaw ng ring si Nietes nito lang Hulyo 2022 sa rematch kay Kazuto Ioka ng Japan pero nabigong maipanalo ng Pinoy ang laban. Inaasahang balik training sa susunod na taon at wala pang balak magretiro sa boxing ang 40-anyos na dating kampeon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page