top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

SORPRESA NI VIY KAY CONG TV, UMABOT NG 1M VIEWS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2024
  • 2 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | March 16, 2024




Trending ang ginawa ng asawa ni Cong TV sa TikTok na umabot na ng 1M views kung saan sinorpresa siya ni Viy Cortez.


Naganap ito nu’ng February 14, Valentine's Day at makikita sa video na nagpapansin si Viy kay Cong at tinanong ito kung may surprise ba at pabulaklak man lang sa kanya. 


Pero, may isang clip du’n na naka-date ng February 13, kung saan nagpaplano ang vlogger kasama ang mga organizers para sa surprise niya kay Cong. 


Expected na dapat lalaki ang magbibigay ng surprise 'pag Valentine's, 'di ba?


All throughout naman sa bidyo, bukambibig ni Viy si Cong sa mga pupuntahan niya at pati nga ang color pink balloon heart na nakakalat sa gilid ay pinagkamalan niyang si Cong ang nagbigay. Meron pa sa video na nag-delulu (delusional) era na talaga siya at nalulungkot dahil no surprise si Cong. 


Anyway, part kasi ‘yun ng gagawing surprise ni Viy kay Cong para sa Valentine date nila na simple yet memorable dahil may inihandang pasabog pala itong si Viy para kay Cong na matagal nang pangarap nito. 


Ayon sa kanya, ito na raw ang last gift niya as boyfriend si Cong dahil nalalapit na rin ang kanilang kasal.


Ani Viy, "Alam mo bakit ko pinaghandaan ito?" 


Sagot ni Cong, "Bakit?"


Sagot naman agad ni Viy na masayang-masaya, “Dahil, ito na ‘yung last Valentine's natin na magdyowa.”


Sey naman ni Cong after ay, “Ang taray, ang ganda!”


Sagot uli ni Viy, “Next Valentine's, as Mr. & Mrs.” at halatang inlab na inlab at excited na. 


Sabi tuloy ni Cong habang tumatawa, “I feel so special boy.” 


Umabot din sa punto na nagkatanungan sila kung ilang anak ang gusto ni Cong TV. Ang sagot ay lima (5), at sabi ni Viy, “Sige, subukan ko, ha!” 


Then, hanggang sa nagkaroon na ng pagkakataon si Viy para talagang ilabas ang pinaka-surprise niya sa kanyang dyowa, which is ang live performance ng Silent Sanctuary na matagal nang idolo ni Cong simula pa nu’ng bata hanggang sa lumaki na ito.


Sa ngayon, ‘di pa naise-share ang buong detalye sa mangyayaring kasalan nina Cong & Viy pero isa lang ang sigurado ng kanilang Team Payaman fans, magiging masaya at engrande ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page