Sori raw sa mga talunan, try and try na lang next time…
- BULGAR

- Oct 31, 2020
- 2 min read
SIGAW NI GLORIA: RABIYA, MAY 'K' BILANG MISS U 2020!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 31, 2020

Sa virtual presscon kahapon ng Oh My Dad! kasunod ng I Got You, humarap naman sa press ang mga bidang sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Ms. Gloria Diaz, Ariel Ureta, Louis Abuel, Adrian Lindayag, Gerard Acao at marami pang iba with Direk Jeffrey Jeturian.
Tuwang-tuwa sina Ian at Dimples na light sitcom ang bago nilang project dahil kung dati ay nakilala sila sa serious role, ngayon ay malapit sa character nila in real life ang kanilang role.
Aminado si Dimples na bungisngis siya, habang si Ian ay nagsabing 'di siya seryosong tao, kaya swak sila sa bagong sitcom ng TV5 na Oh My Dad!.
Habang naka-locked-in taping ang cast, may naisulat ang isa sa mga writers ng BULGAR na si Ate Reggee Bonoan na diumano'y may nagparating sa kanya na nakiusap daw si Ian sa guard na palabasin dahil gusto yatang magpalamig at mamasyal.
Idinenay ito ni Ian nang tanungin namin. Wala raw ganu'n dahil una, wala siyang driver sa taping. Inihatid lang siya sa location at pinauwi niya rin ito. Susunduin na lang siya 'pag tapos na ang locked-in taping. So, paano raw siya makakaalis kung wala siyang driver, bukod sa wala rin naman daw siyang pupuntahan kahit massage parlor. In fairness, may point siya!
Si Miss Gloria Diaz naman na isa sa cast ay hiningan namin ng reaksiyon tungkol sa pagkakapanalo ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Phils. 2020 at tungkol sa mga pamba-bash na inaabot nito ngayon dahil may ilang talunan ang todo-parinig dito.
Puring-puri ng Miss U 1969 si Rabiya dahil natural daw ang ganda nito at nagustuhan niya ang sagot sa Q&A, bukod sa kamukha raw ito ng kanyang anak na si Isabelle Daza, kaya para sa kanya, ang ganda-ganda rin ni Rabiya. (Well, ganyan talaga ang ina, medyo biased, charot lang!)
At sabi rin ni Ms. Glory Be, hindi na bago 'yung mga talunan na bitter at nagrereklamo dahil lahat naman ng contest, may ganyan. Ang mabuti pa raw, mag-join na lang uli sila next time at aniya nga, "Try and try until you win!"
Tamah!
Anyway, sa presscon pa lang, ang saya na ng buong cast ng Oh My Dad! kaya exciting din kung ano ang bago nilang maio-offer na katatawanan sa mga manonood every Saturday, 5 PM.





Comments