Sori na lang, TVJ… MGA JALOSJOS, MAGSE-CELEBRATE NG 44 YRS. NG EAT BULAGA!
- BULGAR
- Jul 9, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 9, 2023

Joy and hope o tulong at saya na nga ang isusulong na slogan ng bagong Eat… Bulaga!.
Nakikiisa sina Jonjon at Bullet Jalosjos kina Yorme Isko at Paolo na kinabibiliban nila dahil masisipag at napakapropesyonal ng mga itong humarap sa mga pagsubok at batikos.
“We are expecting them (bashing and negative reactions). But don’t we have the same goals and intentions as they do? Ang magpasaya at magbigay-pag-asa sa mga kababayan natin.
We are simply happy that despite everything that happened ay buo kami at kahit papaano ay tinatangkilik.
We just received the latest ratings and we are quite happy with the numbers na kahit naka-steady kami, we are slowly getting there, having following. 'Yung Visayas, Mindanao, sobrang natutuwa kami sa reception,” kuwento pa ni Bullet.
“Baka 'yung pagtatapos ng 43rd year ang sinasabi nila,” sagot naman nito kaugnay nga sa kumakalat na tsikang until end of the month na lang sila.
“We have plans of course, but they are still secret, pa-surprise ba,” hirit nito sa paparating ngang 44th anniversary ng show at pagsisimula ng bagong year dahil up to 2024 “and beyond” pa raw ang existence nila.
To follow na ang iba pang mga hosts and talents and employees ng show na papipirmahin ng kontrata ng TAPE, Inc..





Comments