Sori na lang, Maine at Kathryn… ALDEN: SI JULIA ANG PINAKATUMATAK SA LAHAT NG NAKASAMA KO
- BULGAR
- Sep 17, 2023
- 3 min read
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | September 17, 2023

Hindi na nga maitatanggi pa ang pagiging malapit ng Kapuso actor na si Alden Richards at ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa isa't isa dahil sa kanilang pagsasamahang movie na may titulong Five Break-Ups and a Romance na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.
Alam n'yo ba na sa sobrang 'close' nina Alden at Julia ay ibinabahagi na rin nila ang kani-kanilang mga sikreto sa isa't isa? Mukhang next level na nga talaga ang friendship nila at wala na silang maitatago pa sa isa't isa. Hehe!
And naging posible 'yan dahil sa kanilang movie na first team-up din nila, oh, 'di ba? Pero umamin ang dalawa na hindi nila inaasahan na magiging magkaibigan sila at magkakaroon ng malalim na ugnayan sa isa't isa matapos nilang gawin ang nasabing proyekto mula sa direksiyon ni Irene Villamor.
Ibinahagi nina Alden at Julia sa kanilang mga fans and supporters sa pamamagitan ng isang Instagram Live kung gaano sila ka-thankful and blessed na nagkaroon sila ng pagkakataon na makilala ang isa't isa at maging malapit na magkaibigan.
Pahayag ni Alden, "Sa dami ko pong nakatrabaho and sa dami ko na pong naging projects, itong si Julia Montes ay talaga namang remarkable dahil hindi lang siya napakahusay na aktres."
May ganern talaga, Alden? Kumusta naman 'yung AlDub n'yo ni Maine Mendoza na naging sobrang successful at 'yung movie n'yo ni Kathryn Bernardo na markado bilang highest grossing Filipino film of all time? Oops! Peace po, just asking lang naman.

"Mas lamang sa akin 'yung pagkatao niya.
Kaya 'yung opportunity na makilala- not even nga makatrabaho, kasi 'yung trabaho, bonus na sa akin- 'yung mga sikreto naming dalawa at 'yung mga napag-usapan namin sa journey na ito, sobrang fulfilling siya in all aspects sa trabaho at sa buhay," dagdag pa nito.
Pagbabahagi naman ni Julia, "Ito 'yung first project na sobra kong na-enjoy and ang daming learnings. 'Yung bitbit after work, alam mong mayroon kang mga kaibigan at isa ka na doon."
"Sa mga umiidolo kay Alden, alam ko na po kung bakit n'yo idolo si Alden. Talaga namang deserving,"
Huwaaaaw naman! Iba rin, 'di ba, Coco Martin?! Charot lang po! Haha!
Anyway, very happy sina Alden at Julia dahil nag-viral at naging usap-usapan ang unang teaser na inilabas para sa kanilang pelikula. Talaga namang naging mainit at positibo ang pagtanggap ng mga netizens dito. Ang nakakaloka ay nu'ng first day of shooting pala kinunan ang nasabing confrontation scene sa pagitan ng mga karakter nila.
Pag-amin nga ng actress, "Nu'ng napanood ko, kinilabutan ako. Hindi dahil tayong dalawa 'yun, but 'yung thought kasi na I can't imagine if you're the person mismo na nadoon sa sitwasyon, na you know your partner but you don't want to blame also kasi parang wala ka namang hawak na ebidensiya, pero kilala mo kasi 'yung partner mo. So, at the end of the day, alam mong may something,"
"Parang as sensitive actors as we are, 'yung moment na 'yun, we used it to our advantage para mapaganda 'yung eksenang ginawa natin. Kasi si Jules, parang hindi ko pa masyadong kilala at that time,"
"So, I was easily offended by the words you were throwing at me. Kasi, kung ginawa natin 'yun na sobrang lalim na (nang pagkakakilala natin sa isa't isa), parang ang hirap masaktan kapag sa 'yo galing." Ani ng actor.
Samantala, nagsalita na rin ang dalawa tungkol sa kumalat nilang halikan mula sa movie na ipinost ni Direk Antoinette Jadaone sa kanyang Instagram page, pero may permission naman ito ni Direk Irene.
"I had no idea na lalabas siya. Nakaka-tense rin. Slowly, parang mas nadagdagan 'yung excitement ko after that leaked video and the scene drop as we see the feedback of our audience. In reality po, patikim lang po talaga ito," pagbubulgar ni Alden.
Para naman kay Julia, "Ang sarap lang sa pakiramdam na kapag may kaeksena ka, hindi ka na nape-pressure kung paano pipigain ang sarili mo to bring out kung ano'ng hinihingi ng scene. Sa atin, parang every scene, titigan lang, nagko-connect na tayo."
"Kung napanood n'yo po 'yung film, excited po talaga kami kasi ang dami doon na wala sa script, pero dahil nadama namin 'yung characters... talagang tinatamaan kami,
"May hinihingi 'yung script, pero sumobra 'yung bigay kasi full of emotions. Ang sarap lang gumawa ng ganitong proyekto," pagtatapos ng aktres.





Comments