top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sori na lang, Ate Vi… HIRIT NI JESSY: BUSINESS MUNA, BAGO BABY KAY LUIS

BULGAR
Sep 18, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 18, 2021




Sa kanyang latest vlog ay sinagot ni Jessy Mendiola ang tanong kung babawasan na niya ang pagpapa-sexy ngayong may asawa na siya. Ayon sa aktres, hindi pa raw sila kasal ni Luis Manzano ay talagang nag-decide na siya na ‘wag nang gumawa ng mga love scenes or kissing scenes.


“Parang I feel uncomfortable na,” pag-amin ni Jessy.


‘Yung huling soap daw na ginawa niya sa ABS-CBN na Sandugo ay kinausap niya pa raw ang BUH (business unit head) na si Erick Salud tungkol sa bagay na ito.


“Sabi ko sa kanya, ‘Direk, I would rather go all out na kontrabida, ‘yung mang-aapi, ‘yung sobrang sama, ‘yung may ulterior motive, ‘yung laging ganu’n, but please, pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes,’” kuwento ni Jessy.


Paliwanag pa niya, “Hindi naman sa nag-iinarte, but it’s more like, ‘di ba, parang nagawa ko na siya since I was 16. ‘Yung 16, hindi naman kissing scenes, love scenes, pero ‘yung nagpapa-sexy na. ‘Yung medyo naka-kamison, umaangat ang. . .”


Feeling daw niya ay hindi na bagay sa kanya ang mga daring scenes lalo pa nga’t gusto na niyang magkaroon ng anak.


“I feel like it’s not appropriate para sa akin anymore. Parang I feel like siyempre, I want to have a baby na.”


Pero paglilinaw ni Luis na katabi ni Jessy, hindi niya pinipigilan ang misis, na inayunan naman ng aktres.


“Oo, hindi niya ako pinipigilan. Sa lahat ng mga nagtatanong or nag-a-assume na si Luis ang nag-i-stop sa akin, no. It’s more of me, it’s a decision I made a few years ago,” ani Jessy.

Sa ngayon ay natutuwa naman si Jessy na medyo naiiba na rin ang path niya at nagiging content creator na nga siya.


“Hindi ko akalain na magiging content creator ako, na marami akong magagawang vlogs, and I’m really, really enjoying. Kahit ‘yung mga brands, nagpapa-create na ng contents or materials sa akin and I’m really happy na medyo nag-iba na ‘yung landas ko,” saad ng aktres.


Ipinahayag din ni Jessy na gusto niya sana, bago sila magka-baby ni Luis ay nakapag-start na siya ng sarili niyang business at ito raw ang inaasikaso niya ngayon.


Suportado naman ni Luis ang lahat ng gustong gawin ng asawa at kung saan daw ito masaya ay okay sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page