top of page

Sona, dapat ay totoo at makabuluhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 21, 2024


Editorial

Nasa full alert status ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang bahagi ng ipatutupad na seguridad sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.


Sa ilalim nito, handa at nakaantabay ang lahat ng police officers at police units, at hindi pinapayagan na mag-leave o magbakasyon ang kanilang mga police personnel.

Sa ngayon, wala pa umano silang namo-monitor na banta sa seguridad sa SONA.


Mahigpit ding ipatutupad ang “no fly zone” sa bisinidad ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City (QC).


Magdaragdag pa umano ng 1,000 pulis para sa deployment na manggagaling sa Region 3 at 4A. Kaugnay nito, itinanggi naman na “overkill” ang deployment ng mga pulis. Tinatayang nasa 2,000 VIPs, kabilang ang mga diplomats ang bibigyan ng seguridad maging ang mga magpoprotesta na nasa 8,000. Kung saan, ang mga grupo na nakakuha lamang ng “permit to rally” mula sa QC government ang maaaring magsagawa ng aktibidad sa araw ng SONA.


Samantala, mayroon ding mga nakakalat na medical teams upang bigyan ng kaukulang medical attention ang mga mangangailangan nito.


Bagama’t kada taon ay isinasagawa ang SONA, ‘di dapat makampante kahit pa sabihing walang banta. Hindi natin masasabi kung kelan gagawa ng kalokohan ang masasamang-loob. Kaya hindi lang ang mga otoridad ang dapat na magbantay kundi lahat para maiwasang may makalusot na krimen.


Maisagawa nawa ang SONA nang mapayapa at higit sa lahat, makabuluhan. Wala tayong ibang nais marinig kundi ang ulat na totoo at mga planong magpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page