top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Solusyon sa trapik, ‘wag lang iasa sa number coding

BULGAR
Jul 13, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 13, 2021



Dahil inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko sa EDSA sa pagsisimula ng paniningil sa Skyway Stage 3, pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng number coding.


Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, nasa 100,000 sasakyan ang dumaraan kada araw sa Skyway at 80% nito ay gumagamit ng RFID, habang nasa 20,000 naman ang maaaring dumaan sa EDSA bilang alternatibo.


Matatandaang sinuspinde ang number coding noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng public transportation dahil sa pandemya.


Gayunman, suhestiyon ng opisyal sa mga motorista, ikonsidera ang Mabuhay Lanes. Dagdag pa nito, inaayos na nila ang 19 ruta na maaaring daanan bilang alternatibo sa EDSA.


Kung tutuusin, hindi na bago ang problema sa trapik dahil may coding man o wala, ito ang nagpapahirap sa mga komyuter at motorista. Kaya panawagan sa kinauukulan, kung kinakailangang ibalik ang number coding para mabawasan ang trapik, gawin ito sa lalong madaling panahon.


‘Ika nga, hindi man natin masolusyunan agad ang trapik, may paraan naman para mabawasan ito.


Tutal, mas marami nang ruta na bukas para sa mga pampublikong sasakyan, hindi na pahirapan ang pagbiyahe para sa mga komyuter. Samantala, pakiusap naman sa mga motorista, pasensiya pa more habang hindi pa natutuldukan ang problema sa trapiko.


Habang paalala natin sa mga kinauukulan, ‘wag lang tayong umasa sa number coding para mawala ang trapik dahil alam nating marami pang sanhi ng trapik na dapat nating tutukan at solusyunan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page