top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Solusyon sa non-stop price hike, bilisan!

BULGAR
Jul 10, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 10, 2022


Ramdam na ramdam ng maliliit na negosyante ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin.


Kabilang na ang mga karinderya na halos wala na umanong tinutubo sa pagtitinda ng mga ulam dahil mahal na rin ang mga karne at gulay na kanilang ginagamit.


Habang nagdadalawang-isip na magtaas ng presyo ng mga ulam, kani-kanyang diskarte muna ang mga ito. Para kumita kahit kaunti, binabawasan na nila ang mga gamit sa paggigisa at kung noon ay maghapon silang nagluluto at nagtitinda, ngayon ay half-day na lamang. Nabawasan din umano ang mga bumibili ng ulam, kaya hindi na sila nagluluto ng marami upang hindi mapanisan. Gayundin, tipid na sila sa paggamit ng asukal at cooking oil, gayung matataas na rin ang presyo nito.


Sa kabilang banda, umaaray na rin ang ilang taho vendor dahil sa laki ng itinaas ng presyo ng asukal, na pangunahing kailangan sa kanilang paninda.


Kung noon ay P50 kada kilo ang asukal, ngayon ay nasa P65 hanggang P80 na.


Ayon sa ilang tindera ng asukal, nagrereklamo na ang mga kostumer, habang ang iba naman ay pikit-matang bumibili dahil kailangan para sa negosyo. At sa totoo lang, sagad na ang kanilang pasensya at pagtitipid.


Kaya ang mga taho vendor, hindi makapagtaas ng presyo ng paninda, kaya nagtatiyagang dumayo sa ibang pamilihan para makatipid at kumita pa rin.


Muli, nararanasan ang domino effect — tuluyan nang naipasa sa mga ordinaryong mamamayan ang patung-patong na problema ng bansa.


Kaya naman, patuloy ang panawagan natin sa bagong administrasyon na bilisan ang mga solusyon sa problemang ito.


Bagama’t may mga ginagawang hakbang, tulad ng pamamahagi ng ayuda, batid nating hindi ito pangmatagalang solusyon at limitado ang pondo ng gobyerno.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page