Solusyon sa non-stop oil price hike, now na!
- BULGAR
- Mar 16, 2022
- 1 min read
@Editorial | March 16, 2022
Sumirit na naman ang panibagong bigtime oil price hike.
Pare-parehong walang magawa ang mga konsyumer kundi ang magpa-gas dahil kailangan.
Bagama’t may mga diskarte kung paano makakatipid, sadyang hindi pa rin sapat para ‘di maapektuhan nang grabe.
Kaugnay nito, patuloy ang pagpapaalala sa kinauukulan sa napapanahong pagre-view sa Oil Deregulation Law.
Kahapon ang inaasahang pakikipagpulong ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Maaari umanong talakayin ang panawagang suspendihin ang excise tax sa produktong petrolyo at ang pagbibigay ng ayuda sa mga drayber sa mga pampublikong sasakyan.
Una nang nabanggit ng Pangulo ang posibilidad na magpatawag ng emergency session sa Kongreso dahil kailangan ng batas para masolusyunan ang problema. At ngayon na ang tamang panahon bago pa tuluyang masagad ang pasensiya ng publiko at bago pa malugmok na naman ang mga negosyo.
Umaasa tayo na pansamantala lang ang sitwasyon, tuluyan din tayong makakabawi mula sa mga nagdaang kalamidad, krisis at pandemya.



Comments