top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Solusyon sa mas malalang trapik, ‘wag nang patagalin pa!

BULGAR
Apr 1, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 1, 2022


Dahil sa sumisikip na daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila dahil sa pagpapatupad ng Alert Level 1 sa rehiyon, humihirit ng coding at working schemes ang Metro Manila traffic authorities.


Kabilang sa mga nais ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang odd-even coding scheme, modified number coding scheme at ang kasalukuyang number coding mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi, gayundin ang daylight savings o pagpapaaga ng pagpasok ng mga kawani ng gobyerno sa opisina.


Sa planong pagpapatupad ng daylight saving time sa mga tanggapan ng gobyerno, gagawing alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa trabaho para mabawasan ang mga biyahero tuwing rush hour.


Habang inihihirit din ang 10-hour na 4 working day scheme o hybrid na on-site at work from home scheme sa pribado at pampublikong empleyado.


Paliwanag ng isang opisyal ng MMDA, mababawasan ng 50% ang trapiko sa pagpapatupad ng odd-even scheme habang 40% ng trapiko ang mababawas sa modified number coding scheme.


Samantala, sa kasalukuyang ipinatutupad na number coding set-up, tinatayang nasa 20% ang traffic volume reduction.


Hindi na nakakagulat na tila bumabalik sa pre-pandemic level ang trapik sa Metro Manila dahil mas maraming manggagawa na balik-trabaho, gayundin, mas marami nang pampublikong sasakyan na balik-kalsada tulad ng provincial buses. Idagdag pa ang pagbabalik on-site ng milyun-milyong BPO workers mula ngayong araw.


Ilang linggo nang umiiral ang Alert Level 1 sa rehiyon, kaya tiyak na nakita na ng mga kinauukulan ang problema. At ngayong may mga nakikita na tayong solusyon, ipatupad na sa lalong madaling panahon.


‘Wag na nating hintaying magdusa pa lalo ang mga komyuter at motorista dahil sa lala ng trapik.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page