Solusyon ng gobyerno kontra COVID, sa simula lang maayos, tsk!
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 18, 2021
Isang taon na tayong nasa ilalim ng lockdown.
Nasaan na ba tayo? Nakakalungkot, pero parang back to square one lang din tayo.
Hindi tayo umuusad at parang walang nagbago. Pareho pa rin ang isyu at problema.
Isang taon na ang lumipas ngunit tila lumalala pa. Tinatayang aabot sa 8, 000 a day ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pa lamang sa katapusan ng buwan na ito.
◘◘◘
“Ningas cogon” tayo pagdating sa pamamahala sa pandemya. Masigasig sa umpisa, ngunit sa huli ay tila nagsasawa na.
Ang malala pa, nakakalito ang messaging. Hindi nabibigyang-diin kung gaano kabigat na problema ang COVID-19, kung bakit kailangang mag-ingat. At paano natin mapapasunod ang mga kababayan natin sa mga health protocol kung marami sa mga opisyal ang hindi sumusunod nito, at lumalabag sa mga ipinagbabawal tulad ng pagdaos ng mga party?
Tila wala nang interes ang mga naatasang patnubayan tayo sa gitna ng pandemya na humanap ng malalim at komprehensibong solusyon sa problema.
Palagi na lang CULOB — curfew, lockdown, liquor ban — ang inirerekomendang solusyon.
◘◘◘
Sa isang opinion poll ng Coronavirus Updates group sa Telegram app, tinanong kung paano nila mamarkahan ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.
Sa mahigit 21,000 na sumagot sa poll, 77 percent ang sumagot ng “Very Bad.”
Nanawagan tayo sa ating pamahalaan. Gising na. Isip na. Kilos na.
◘◘◘
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments