Solo parent todas sa bugbog ng 2 criminology students

by Levi Gonzales @News | October 11, 2026

Photo: File
Patay ang isang 46-anyos na solo parent matapos umanong mapatay sa bugbog ng dalawang criminology students sa Brgy. II, San Francisco, Agusan del Sur nitong October 8.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si alyas Marciano dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.
Nasugatan din ang isang 22-anyos na lalaki na nakilalang si alyas Jobert.
Lumitaw sa imbestigasyon na inatake ng dalawang suspek na lasing ang biktima sa hindi pa malamang kadahilanan at nadamay si "Jobert" matapos awatin ang mga ito.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rommel, 25, at Nomer, 23, na naaresto sa follow-up operations.





Comments