Solo bettor, wagi ng P35M jackpot prize ng Lotto 6/42 – PCSO
ni Lolet Abania | January 18, 2023

Wagi ang nag-iisang mananaya ng mahigit P35 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules.
Batay sa PCSO, solong napanalunan ng bettor ang P35,314,806.60 na may winning number combination na 34-24-02-06-33-07.
Wala namang nakakuha ng jackpot prize na P49.5 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw kagabi, na may winning number combination na 45-32-30-34-27-39.
Gayundin, bigong masungkit ang P71,834,626.40 jackpot prize ng Super Lotto 6/49 draw na may winning number combination na 19-24-03-18-33-49.





Comments