Solb na ang suplay ng sibuyas, itlog naman ngayon
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 1 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 13, 2023
NARESOLBA na raw ang kakapusan sa suplay ng sibuyas.
Siyempre, tapos na ang Kapaskuhan.
◘◘◘
TULAD ng bigas na ibinobodega, ang tone-toneladang palay, ganyan din sa sibuyas—iwine-warehouse rin ang tone-toneladang sibuyas.
Pinatataas ang presyo sa pagkontrol ng suplay.
Cartel 'yan.
◘◘◘
WALANG nagbubunyag ng kartel sa bigas at sibuyas.
Korupsiyon ang tawag d'yan.
May bendisyon ito ng mga tiwaling awtoridad.
◘◘◘
KUNG seryoso ang gobyerno na buwagin ang kartel, dapat pakilusin ang ISAFP.
Ang ISAFP ay nasa ilalim ng AFP.
Ito ay upang maibunyag ang modus-operandi ng cartel na kinunsinte mismo ng mga korup na awtoridad, siyempre ay kakutsaba ang intel community.
◘◘◘
DAPAT palakasin ang ISAFP—at ang datos na ibibigay nito—ang siyang dapat pagbasehan ng Malacañang sa kanyang mga desisyon.
Puwedeng paganahin ito sa isyu ng sibuyas at bigas.
◘◘◘
SA pinakahuling balita, ang kinakapos ngayon ng supply ay ang “itlog”.
Tama, kapos ng itlog ang 'Pinas.
Maging ang mga opisyal ng gobyerno at media—ay mahahalatang “walang itlog” na ibunyag ang mga korupsiyon sa pamahalaan at pribadong sektor.
◘◘◘
TALIWAS sa sibuyas at bigas, hindi puwedeng iistak nang matagal sa bodega ang itlog.
Nasisira ang itlog sa loob ng pito hanggang 15-araw.
◘◘◘
MADALING matukoy kung expired ang nabili ninyong itlog.
Kapag binasag ang itlog nang dahan-dahan at lumitaw na “hindi buo ang pula”—bagkus ay tunaw ito at hindi nakakorte nang bilog—bulok ang itlog.
◘◘◘
MALINAW kung gayun na ang kakapusan ng itlog ay hindi artipisyal.
Pero hindi itlog ang kapos, ang kapos ng suplay ay ang “inahing manok”.
Meaning kapag kapos ng itlog, kakaunti lang ang manok na nangingitlog.








Comments