top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

 SoKor pinaramdam ang lakas vs. Alas sa AVC Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | June 10, 2026



SoKor vs Ph - AVC - Asian Volleyball Confederation

Photo: AVC - Asian Volleyball Confederation



Mga laro bukas (Huwebes)

(Candon City Arena)

9 am – Vietnam vs Iran

12 nn – Lebanon vs Kazakhstan

3 pm – Pilipinas vs Chinese Taipei

6 pm – South Korea vs Australia

9 pm – Kyrgyzstan vs Uzbekistan


Nalasap ng Alas Pilipinas women’s national team ang ikalawang pagkatalo kahapon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup laban sa undefeated at wala pang isang set na talo na South Korea sa bisa ng straight sets 16-25, 18-25, 22-25 na ginaganap sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.


Matapos ang impresibong panalo laban sa Kyrgyzstan nitong Lunes, tila bumaligtad ang sitwasyon ng women’s national squad nang mahirapang makakuha ng malinis na atake na sinabayan ng hindi malinaw na receptions upang bumagsak sa 2-2 kartada sa Pool A at nahaharap sa mahalaga at matinding sagupaan kontra mahigpit na karibal na Chinese-Taipei.


Nahirapang masabayan ng Alas Pilipinas ang pambihirang liksi at bilis ng Koreans maging ang tangkad at karanasan. Nagawang makapagtala ng World No.39 ng tig-7 service aces at blocks.


Nagawang makakuha ng 19-16 na bentahe ng Alas sa 3rd set mula sa atake ni Alyssa Solomon, subalit lumikha ng 8-1 run ang South Korea para mamuro ang sa set point sa 24-21.


Sinubukan pang lumaban ng national squad sa magkasunod na atake nina Ara Galang at Nina Ytang, ngunit mula sa timeout ay sumagot ng pambihirang quick attack ang Koreans upang selyuhan ang laro sa unang straight set pagkatalo ng Pilipinas. Nanguna sa Alas si Thea Gagate sa 9 puntos at ni  Nina Ytang sa 8 points. 


Nag-ambag din sina Solomon at Alyssa Valdez ng tig-7 puntos habang hinimok ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na pagtuunang maigi ang kampanya sa AVC Cup at iwaksi ang anumang kaguluhan sa PNVF at ang pagsasantabi muna ng loyalty sa bawat club team.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page