top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Socmed influencer na nag-eendorso ng sugal, yari!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 16, 2023


Kapansin-pansin na hindi lang produkto at serbisyo ang iniendorso ng mga social media influencer ngayon kundi pati sugal na rin.


Kaugnay nito, nasilip umano ng cybersecurity expert na ilan sa nawalan ng pera sa E-wallet app kamakailan ay nagsusugal online.


Dahil dito, target habulin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang mga influencer na nag-eendorso ng mga sugal online.


Matatandaang inulan ng reklamo ang isang E-wallet firm dahil umano sa nabawasan o naglahong parang bula ang pera ng mga account owner.


Samantala, isa pa sa isyu rito ay ang pagiging talamak ng sugal online.


Kung paulit-ulit at malakas ang paghikayat ng mga socmed influencers, hindi imposible na maraming maging interesado hanggang sa maadik na sa sugal. Ang masaklap, kapag hindi na makontrol ang bisyo, gagawa na ng masama para may maipangsugal.


Una na ring nabanggit ng mga awtoridad na may mga tinutugis na silang mga sangkot sa illegal online gambling.


Bago pa mahuli ang lahat, kailangang mas doblehin ang kilos laban sa masamang bisyo at ilegal na gawain.


Pakiusap naman sa mga socmed influencers, maging mabuti sana tayong halimbawa sa netizens.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page