Sobrang tamis na 3-in-1 coffee, bubuwisan

ni BRT @News | November 29, 2026

Photo: File / Cong. Miro Quimbo - FB
Nilinaw ni House Committee on Ways and Means Chairperson Rep. Miro Quimbo na hindi pa napapanahon ang pagpapataw ng buwis sa 3-in-1 coffee dahil karaniwang kinokonsumo ito ng mga Pilipinong may mababang kita.
Gayunman, pinag-aaralan sa Kamara ang pagbibigay ng tatlong taong palugit sa mga manufacturer upang bawasan ang sugar content ng kanilang produkto. Posibleng patawan ng buwis ang mga lalampas sa itinakdang limitasyon matapos ang nasabing panahon.
Sa ngayon, wala pang inihahaing panukalang batas kaugnay nito.





Comments