top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Sobrang hurt noon, ex-BF, miss na miss ngayon… HEART, UMAMING 13-ANYOS LANG NANG MAGING DYOWA SI JOHN, INIWAN PA SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 17, 2026



FRANKLY - HEART, UMAMING 13-ANYOS LANG NANG MAGING DYOWA SI JOHN, INIWAN PA SIYA_IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Inamin ni Heart Evangelista na never daw niyang in-acknowledge na naging dyowa niya si John Prats dahil masyado pa raw kasi silang mga bata noon.


Sey ng aktres sa kanyang panayam sa GMA show na Your Honor (YH), “Never kong in-acknowledge na naging boyfriend ko s’ya, siguro dahil as a young, innocent baby girl, sobrang nasaktan ako na in-erase ko talaga.”


Nang panahon daw kasi na iyon ay 13-14 years old lang siya at ang aktor daw ang nakipag-break sa kanya.


Kaya para maka-move-on ay pinatay na lang daw niya ang feelings niya for John.

“And now na na-heal ako, as in, sobrang parang na-miss ko s’ya as a person, as a friend, as someone I worked with,” sey ni Heart.


Na-appreciate raw niya si John sa pagtatanggol nito sa kanya sa tuwing may mga nagkokomento sa kanyang kaartehan o ugali.


“Dati na s’yang ganyan,” ang lagi raw sinasabi ni John.

“Alam n’ya, naaalala pa rin n’ya ako,” sey ni Heart.


Ngayon ay super friends daw sila ni John at pati ang misis nitong si Isabel Oli ay BFF niya.





ANG celebrity dentist na si Dr. Sam Bernardo ang dahilan sa magagandang ngiti ng ilang mga sikat na celebrities tulad nina Mika Salamanca, Bianca de Vera, G22 at Daniel Matsunaga.


Si Dra. Sam ang founder and CEO of Awesam Smile Dental Clinic at kabilang ang mga nasabing personalidad sa kanyang mahigit 30 celebrity endorsers.


Sa panayam namin sa dentista sa kanyang mediacon recently, sinabi niyang napakahalaga talaga hindi lang para sa artista kundi para sa lahat na mag-invest sa ating oral health.


“Invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin ay ‘di lang ‘yan parang pampaganda or ngiti lang,” sey ng celebrity dentist.


Si Daniel Matsunaga ang kanyang first celebrity endorser at puring-puri niya ang aktor dahil noon pa ay maalaga na raw ito sa ngipin.


“Priority n’ya talaga ang kanyang dental health. And lahat talaga ng ngipin ni Daniel is natural,” sey ni Dra. Sam.


Dream artist daw niya na maging endorser ay si Daniel Padilla dahil crush daw niya ang aktor.


Natanong nga namin ang dentista kung sino pa ang ibang artistang may magagandang teeth aside from her endorsers at binanggit niya sina Heart Evangelista at Rayver Cruz.


“Magaganda talaga ‘yung teeth nila saka ‘yung smile nila,” aniya.

When asked kung sino ang artistang gusto niyang ayusin ang ngipin, nag-isip muna si Dok at binanggit niya ang content creator na si Sassa Gurl.


Nang mahingan naman siya ng komento tungkol sa ngipin ng tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang sey ni Dok, part din daw ito ng pamilya ng Awesam Smile Dental Clinic.


“Actually, si Miss Kakai is gusto n’ya ‘yung ganu’ng set of teeth, du’n s’ya kilala. Ang importante kasi, inaalagaan, eh,” sey niya.


Maalaga rin daw si Kakai sa ngipin nito at healthy naman daw ang set of teeth nito.


“Dental care should never be a luxury. It’s a basic need, and I’ll keep working to make it available to everyone,” saad ni Dr. Sam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page