Sobrang hurt dahil magkaibigan daw sila… SEN. ROBIN, BINANATANG ‘BOBO’ NI TED
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 30, 2026

Photo: FB Robin Padilla & FB Circulated / Ted Failon
Sa isang opisyal na pagtitipon sa Davao Oriental, nagpahayag ng saloobin ang aktor-senador na si Robin Padilla tungkol sa broadcast journalist na si Ted Failon.
Ayon kay Robin, hindi niya maintindihan kung bakit tila personal ang mga naging puna umano ni Ted laban sa kanya at pinalalabas pa umanong ‘bobo’ siya, bagay na ikinasama ng kanyang loob.
Paulit-ulit umano siyang binatikos sa mga naging pahayag at aksiyon niya, lalo na kaugnay ng impeachment trial at iba pang isyung pampulitika.
Pahayag niya, “‘Di ko maintindihan si Ted Failon. Kung banatan ako nito, akala mo, ‘di ko s’ya kaibigan. Sa totoo lang, namemersonal pa. Napakasakit isipin.
“‘Pag namersonal s’ya, alam naman n’yang may asawa ako, babanatan n’ya ako nang ganu’n. Eh, di ikaw na ang pinakamagaling na lalaki kung gusto mo. Wala naman akong question du’n. Ikaw na ang pinakamagaling, pero sana, Pare, tandaan mo lang na ‘di kita tinrato bilang iba kundi kaibigan.”
Sa huli, nagpahayag si Robin ng pag-asang magkakaroon sila ng pagkakataong makapag-usap upang maipaliwanag ang kani-kanilang panig sa isa’t isa.
Aniya, “Hanggang du’n na lang. Magkakausap din tayong muli. Maipapaliwanag ko rin sa ‘yo.”
Well, wish lang ni yours truly na magkausap na sina Sen. Robin at Ted para matapos na ang isyung ito.
NAPANSIN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang natural na kagandahan ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa noontime show na It’s Showtime (IS), kung saan nagsilbi itong special guest co-host sa segment na Miss Q and A: Reyna Talak-era 2026.
Sa kanilang masayang kuwentuhan, tinanong ni Vice si Bianca kung nakaranas na ba itong sumali sa mga beauty pageant noong bata pa.
“Hindi, Meme, ‘di pa. ‘Di ko pa na-try,” sagot ni Bianca.
Dahil sa kapansin-pansing natural na ganda ng aktres, hindi napigilan ni Vice ang magbiro.
“Pinay ang beauty mo. Walang make-up, ‘noh? Nakakapikon din ‘to minsan, eh. Ang gandang bata,” ani Vice.
“‘Wag na mapikon sa akin kasi ikaw ‘yung pine-peg ko every morning. Every time I wake up, ang una kong panalangin sa Ama ‘pag magso-Showtime ako, ‘Please make me look like Meme today,’” saad ng aktres.
Natawa si Vice at muling nagbitiw ng nakaaaliw na hirit.
“Sawa ka lang sa pagiging maganda? Gusto mo nang gumising na pangit? Gusto mo nang gumising na chaka (pangit)?” biro ni Vice.
“Pero ang gusto ko, umabot ako sa araw na ‘di ko na kailangang mag-make-up nang makapal,” dagdag pa ng Unkabogable Star.
Well, Vice, maganda naman talaga si Bianca kahit itanong pa natin kay Ruru Madrid. ‘Di ba, madlang people?
LALO pang hinahangaan ng marami si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin habang mas nakikilala nila ang kanyang kabutihan at malasakit sa kapwa.
Bukod sa pagiging kilala bilang ‘Jukebox Queen’, nakilala rin si Papin bilang lingkod-bayan. Bilang direktor ng PCSO, madalas siyang maiugnay sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyenteng nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at gastusin sa ospital.
Hindi lamang sa kanyang tungkulin sa PCSO umiikot ang kanyang pagtulong. Sa pamamagitan ng Imelda Papin Foundation, patuloy din siyang nag-aabot ng tulong sa mga kapuspalad, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng pambili ng gamot, laboratory tests, at iba pang pangangailangang medikal.
Dahil sa kabutihan niya, maraming tao ang naghihikayat kay Imelda na tumakbo bilang senador sa 2028 national elections.
Kung pagbibigyan ni Imelda ang mga panawagang ito, panahon lamang ang makapagsasabi.
Sa kasalukuyan, wala pa siyang inilalabas na pormal na pahayag hinggil sa usapin. Hinihintay na lamang ng publiko kung ano ang magiging pasya niya kaugnay ng 2028 national elections.
‘Yun lang, and I thank you.

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)



Comments